Anak Ng Jeepney Driver At Tindera, Ibinahagi Kung Paano Umunlad Ang Buhay At Naging Milyonaryo Sa Edad Na 24 Gulang

Lahat tayo ay naghahangad na magkaroon ng magandang kinabukasan. Sino ba naman ang hindi naghangad na yumaman at mabili ang lahat ng gusto? Ibinahagi ng netizen na si Akio Kashiwagi ang kanyang naging daan patungo sa kanilang pag-unlad at pag-angat sa buhay. Aniya, hindi naman raw siya galing sa isang mayaman na pamilya. Ang kanyang ama ay isang jeepney driver samantalang ang kanyang ina ay nagtitinda ng kung anu-anong mga bagay tulad ng chocolate, siopao, Avon, MSE, at Dakki. Aniya na noong bata siya ay wala siyang pangarap dahil hindi naman siya magaling. Sa katunayan ay tinawag niya ang kanyang sarili na 'iskul bukol' dahil madalas raw ipatawag sa eskwelahan ang kanyang ina dahil imbes na lecture ang kanyang nasa notebook ay puro mga drawing. At inaabot pa sila ng kanyang kuya ng hating gabi kakalaro ng computer. Labing siyam na gulang siya ng nagmistulang magtanong tanong siya buhay. Aniya, gusto raw talaga niyang yumaman subalit hindi niya alam kung paano. Ang