ALAMIN: Epektibong Lunas sa Balakubak o Dandruff at Ano ang Sanhi nito!



Ang Balakubak o Dandruff ay isang kondisyon ng balat na pagkakaroon ng tuyong anit o ng isang kondisyon ng balat na tawagin ay 'seborrhic dermatitis'.
Hindi pa natutukoy ang eksaktong dahilan ng balakubak, ngunit may mga ilang sanhi ito.


Ano ang posibleng sanhi ng balakubak?

1. Pag gamit ng iba't ibang shampoo, gel, mousse na may iba't ibang chemical na kumakapit sa anit
2. Hindi pag suklay ng buhok araw araw, ang hindi pag suklay ay isang sanhi ng balakubak dahil hindi natatanggal ang mga dead cells na kumapit sa anit.
3. Kung ikaw ay may 'oily' na balat at madalas kang pawisan, isa rin itong sanhi ng pagkakaroon ng balakubak
4. Seborrhic Dermatitis ito ay ang kondisyon na pagkakaroon ng maselan na balat
5. Reaksyon ng mga produkto sa buhok

Ano ang mga pwedeng gamitin para matanggal ang Balakubak?
1. Apple Cider Vinegar



Ihalo ang 1/4 na apple cider vinegar sa isang 1/2 na basong tubig, ilagay ito sa sprayer at i-spray sa buhok lalo na sa anit. Makakatulong ito para tumaas ang pH level ng anit kaya mahihirapan kumapit ang mga fungus sa anit. 

2. Baking Soda


Basain ang buhok at ihalo ang dalawang kutsara ng baking soda sa 2 kutsarang tubig, siguraduhing nahalo itong mabuti at ilagay ito sa buhok kasama ang anit. Banlawan ito agad at huwag gumamit ng shampoo. Magiging tuyo ang buhok mo pero magiging 'oily' ang inyong anit na makakapag padurog ng iyong mga balakubak.

3. Coconut Oil


Hindi lang nakakaganda ng buhok ang coconut oil, nakakatulong din ito pantanggal ng dandruff. Bago matulog, maglagay ng kaunting coconut oil at imasahe ito sa buhok. Takpan ang buhok ng headcap at paggising sa umaga, banlawan ito.

4. Aloe Vera



Kumuha ng dahon ng aloe vera at pigain ito, gamiting ang katas ng aloe vera at imasahe ito sa inyong anit. Maari ring bumili ng aloe vera gel sa mga lokal na pamilihan kung wala kayong dahon ng aloe vera. Epektibo ito sa pagdurog ng dandruff at pampakintab ng buhok.


Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!