Attention: Tips ngayong tag-ulan para sa mga bata at matanda upang makaiwas kayo sa sipon, lagnat at virus!

Ngayon ay masasabi na nating panahon na ng tag-ulan dahil sa sunod sunod na pag-ulan sa bansa. Tuwing tag-ulan uso ang sipon, lagnat at sakit sa baga gaya ng bronchitis, pneumonia at hika o asthma.
Lahat tayo ayaw magkasakit dahil minsan ito ang sanhi ng pagpapa ospital. Upang makaiwas sa sakit ngayong tag ulan, nagbahagi ng ilang simpleng tips ang mga eksperto.
Narito ang tips para makaiwas sa sakit:
1. Uminom ng Vitamin C
Napaka importante ng Vitamin C sa ating katawan para mapalakas ang resistensiya o ang immune system. Vitamin C ang kumokontra sa paglaganap ng virus sa katawan. Siguraduhing may iniinom na Vitamin C para makaiwas sa sakit.
2. Panatilihing tuyo at mainit ang katawan
Karaniwang nagkakaroon ng viral infection tuwing tag-ulan kaya mahalaga na manatiling tuyo at mainit ang katawan tuwing malamig at masama ang panahon.
"Ang gustong environment ng virus, 'yong wet and cold environment. Kaya kapag wet and cold 'yong nae-expose ang isang tao, mas prone siya sa viral infections. Kaya mas maraming viral infections 'pag tag-ulan kasi 'yon ang gusto ng virus" Ayon sa mga doktor.
Siguraduhing wag mgpa ulan, ugaliing magdala ng payong at kapote tuwing umuulan, at kapag naulanan siguraduhin na patuyuin ang katawan.

3. Magpa bakuna kontra flu, pneumonia at dengue

Mainam na magpabakuna na kontra flu at pnemonia upang makaiwas sa sakit. Magpunta sa inyong mga doktor at magpabakuna para pang kontra sa lagnat at iba't ibang sakit.
4. Kumain ng masustansiyang pagkain tatlong beses sa isang araw

Ang pinaka importante ay ang pagkain ng masustansiyang pagkain tuwing almusal dahil ito ang nagbibigay ng enerhiya sa mga bata.
Napakimportante din ng paginom ng gatas dahil ito ay makakapag palakas sa ating mga buto, wag kalimutan magdagdag ng prutas at gulay sa pagkain dahil ito ang panlaban sa mga sakit.
5. Agapan ang paglala ng sintomas ng ubo
Kung tumagal ng 7-10 na araw ang ubo, at dumami ang plema na kulay berde, magpunta sa doktor dahil kailangan na itong gamutin ng antibiotics. 
Sa first 5-7 days ng ubo at sipon, siguraduhing uminom ng maraming tubig at magpahinga para hindi lumala ito.
6. Ugaliing maghugas ng kamay

Ang pinaka unang kapitan ng virus ay sa inyong mga kamay, siguraduhing maghugas muna ng kamay bago kumain dahil may ng bacteria pwedeng kumapit sa ating mga kuko. 
Importante rin na linisin ang mga cellphone, gadgets at iba pang gamit na madalas nating hawakan para iwas sa virus.
7. Maghugas ng paa pag katapos lumusong sa baha
Napaka importante na maghugas ng paa at maglagay ng alcohol pag katapos lumusong sa baha dahil ang tubig baha ay isang sanhi ng infections gaya ng Leptospirosis na nakukuha sa ihi ng mga daga. Siguraduhin magsuot ng bota tuwing lulusong sa baha.


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera