SLEEP PARALYSIS: Naranasan mo na ba ang Nakakatakot na Sleep Paralysis? Alamin kung ano ito at Paano ito maiiwasan








ANO  NGA BA ANG SLEEP PARALYSIS?

Ang sleep paralysis ay isang common sleep condition na nararanasan tuwing malapit nang makatulog o bago gumising sa pagtulog, Marami ang may alam kung anong klaseng pakiramdam ang mararamdaman mo dito, marami din na hindi ito mauri o minsan inaakala nilang masamang panaginip lang.


PAANO MO MALALAMAN KUNG SLEEP PARALYSIS ITO?





Ang Sleep Paralysis ay isang Sleep Disorder kung saan nakararanas ka na hindi ka makagalaw kahit gising ang iyong diwa. Kadalasan, magigising ang isang tao at ganito ang kanyang mararamdaman:

1. Hindi mo magalaw ang iyong katawan kahit pilitin mo itong galawin
2. May pakiramdam na dinidiin ka sa kama o tinutulak ka o may mabigat na naka dagan sayo
3. Nakamulat ang mga mata at gising ang diwa ngunit hindi makagalaw
4. Hindi ka makapagsalita kahit gusto mong sumigaw tila walang lumalabas na tunog sa iyong boses
5. May pakiramdam na may ibang tao o demonyo na nasa paligid mo
6. Walang kakayahang tumayo o umupo at kumilos



GAANO ITO KATAGAL?
Wag mag alala dahil ito ay hindi tatagal ng oras, ito ay maari lamang tumagal ng segundo o ilang minuto.

ANO ANG GAGAWIN MO PAG NARARANSAN MO ITO?

1. Subukan igalaw ang mga daliri sa paa, dahan dahang piliting igalaw ito para mawala ang pagkaka paralyzed ng iyong buong katawan

2. Wag mag Panic dahil hindi ito nakamamatay, Pakalmahin ang sarili.

3. Magdasal habang ito ay nararanasan

4. Huwag Labanan, dahil lalo lang lalala ang pakiramdam na may mabigat sa dibdib.

5. Ibuka at isara ang kamao, dahan dahan itong pagalawin sa isip


6. Wag kalimutan huminga ng malaming dahil karamihan ng nakakaranas nito, nawawalan o tumitigil ang ng paghininga.

7. Subukang umubo o gumawa ng isang tunog 

8. Sumimangot o piliting lukutin ang mukha  na parang naka amoy ng mabaho para mawala ang pag kaka paralyze ng katawan. 

PAANO ITO MAIIWASAN?

-Bawasan ang stress
-wag matulog ng sobrang busog
-matulog ng nakatagilid. Karaniwan ang mga nakakaramdam ng sleep paralysis ay ang mga natutulog sa kanilang likod.
-Regular na mag ehersisyo pero huwag bago matulog



TANDAAN: Pagka gising, huwag munang matulog ulit para hindu magtuloy ang sleep paralysis. Magdasal at buksan ang ilaw at uminom ng tubig.





source: pilipinoviral

Comments

  1. Thanks... Halos taon2 ko eto naranasan thanks in advice!

    ReplyDelete
  2. Bakit yung akin umabot ng ilang oras. Tsaka may time na gabi gabi ko nararamdam. At namamanhid yung ulo ko pag nararanasan ko to

    ReplyDelete
  3. ilang besko na itong naranasan. Yung parang may humahawak sa paanan ko. Hindi ko maigalaw yung katawan ko at walang lumalabas na boses sa bibig ko. Ang ginagawa ko nagdadasal ako ng I believe in God thru mind. Tapos biglang unti unting may lumalabas nang boses sa bibig ko na malakas na. Prayer is powerful.

    ReplyDelete
  4. ...naranasan ko rin to...parang may humihila sa akin sa bintana ngunit gising ako sigaw ako sigaw pero hindi ko marinig boses ko...pinagpapawisan ako ng malamig...nanginginig buong katawan ko...hanggang magsimula akong magdasal...untiunting bumalik boses ko...salamat kay Lord...ngayun alam ko na....

    ReplyDelete
  5. Ako nman nararamdaman ko may malamig na kamay na humahawak sa dibdib ko.at minsan may tumatawag sa name ko.but since I believe in my Jesus Christ and pray before I sleep and Thanked him for everyday .wla na ko nararanasan. Just say..IN JESUS NAME AMEN.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?