Pinakaimportanteng Paraan Para Makapag-Ipon ng Pera

Narito ang ilang Paraan para makapag-Ipon ng Pera na galing sa iyong Suweldo: 1. Gumawa ng listahan ng iyong gastusin Importanteng malaman natin kung saan mapupunta ang ating kinikita. Simulan ng paglilista ng lahat ng iyong mga gastusin. Ilista ang gastusin para sa Bills, groceries, personal expense, rent at pati na ang transportation. Mahalagang malaman ang bawat sentimo ng iyong gastusin. 2. Gumawa ng budget Kalulahin kung magkano nga ba ang maari mong itabi sa iyong sahod. Laging tandaan ang formula na ito: SAHOD-IPON= GASTOS para kahit ikaw ay may babayaran, mayroon ka pa din pera na naitabi para sa emergency funds. 3. Ilista at gumawa ng limit para sa Personal Expenses Madalas nauubos ang ating suweldo para sa mga personal expense na hindi naman talaga natin kailangan. Importanteng magset ng budget kada buwan para sa iyong personal expense at sundin ito. 4. Sundin ang 50/30/20 rule sa pagiipon 50% para sa iyong mga bill