Ano ang Lupus at Sino-sino na ang mga Sikat na Celebrity na Nakaranas na at Mayroong Lupus na sakit!



Ang Lupus ay auto-immune disease na may mild to life threatening na mga sintomas. Ito ay isang kondisyon na umaatake sa ating mga healthy cells at tissues. Umaapekto ito sa joint muscle ng tao at posible rin maapektuhan ang kidneys

Apat na Klase ng Lupus:

1. Systemic Lupus Erythematosus- ito ay karaniwang malubha na klase at umaapekto sa balat at ibang organ ng katawan.

2. Cutaneous Lupus- umaapekto din ito sa balat

3. Neonatal Lupus- ito ay matatagpuan sa mga batang pinanganak ng inang may lupus

4. Medically-induced Lupus- ito ay klase ng lupus na sanhi sa gamot sa hypertension, tuberculosis at sakit sa puso.


Ano ang Sanhi ng Lupus?


Nagsisimula ang lupus kapag ang immune system ay inaatake niya ang mga sariling malusog na cells at tissues sa katawan. Ito ay maari rin dahil sa genetic at environment. Maarin rin ang sikat ng araw ay maaring magsimula ng lupus lesions sa balat at magkaroon ng internal response sa mga taong may tsansang magka-lupus. Narito ang ilang posibleng maging sanhi sa Lupus:



  • Sinag ng araw
  • gamot na posibeng mag trigger ng lupus (anti-seizure na gamot, gamot sa blood pressure at mga antibiotics)
Hindi nakakahawa ang lupus. Hindi ito predictable, ang mga sintomas ng Lupus ay maaring hindi lumitaw, kung minsan nawawala at nag iiba iba. 



Karaniwang Sintomas:
  • masakit na kasu kasuan
  • panghihina at lagnat
  • "butterfly-shaped" na rashes na pumapalibot sa mukha at ilong
  • hirap sa paghinga
  • panunuyo ng mata
  • pamumuti at nagiging kulay asul ang mga kamay at paa kapag  nasa malamig

Lunas sa Lupus

Wala pang natutukoy na lunas sa lupus. Maaring kumonsulta sa doktor para sa mga gamot na ibibigay at ipapayo.

Prevention

Mahalagang pangalagaan ang katawan. Sapat na tulog at huwag hahayaang maexpose ng matagal sa ilalim ng sinag ng araw. Malaking bagay kung titigilan ang paninigarilyo. At kumain ng masustansyang mga pagkain.


NARITO ANG ILANG SIKAT NA CELEBRITIES NA MAYROONG LUPUS:

1. Selena Gomez- inanounce ni selena sa publiko na mayroon itong lupus, sa kanyang isang Instagram post, ito ay sumailalim sa kidney transplant at ang kanyang donor ay isang aktres din na matalik niyang kaibigan.




2. Michael Jackson- May ibang balita na si Michael Jackson ay may lupus kaya niya iniiwasan ang sinag ng araw, ngunit hindi ito nakompirmado ng singer noong nabubuhay pa siya.



3. Lady Gaga- noong 2010, sinasabing 'borderlie positive' ito sa lupus. Ngunit sinabi ng aktres na hindi ito nakakaramdam ng ano mang sintomas ng lupus.



4. Ferdinand Marcos- Itinago nang yumaong presidente sa publiko na ito ay may lupus. Ang may alam lang ng kanyang sakit ay ang kanyang mga doktor at pamilya. Ito ang naging rason ng pagkamatay ni Ferdinand Marcos pagkatapos magkaroon ng komplikasyon.













source: buhayofw.com

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay