Attention : Nasa 5,000 Skilled Workers, Kailangan sa New Zealand, Humigit 100,000K ang suweldo






Isang magandang balita para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng trabaho ngayon. Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Aabot sa 5,000 trabahador o skilled workers ang kailangan ngayon sa bansang New Zealand.
Narito ang In-demand sa New Zealand na mga trabaho.
Job orders:
  •  Karpintero 1,928
  •  Mason 499
  • Farm Worker 427
  • Scaffolder 361
  • Driver 329
  • Fitter tyre/tech 397
  • Pipe fitter/worker 309
  • Painter 201
  • Auto tech 100
  • Machine Operator 226
  • Laborer 167


Total job orders: 4,944

Malaki rin ang makukuhang suweldo dahil mataas ang suweldong alok para sa mga workers. 
Ang laborer, machine operator, Mason at driver, nasa 3, 520 New Zealand Dollars ang sahod o 131, 000 pesos.

Para sa mga karpintero, maaring kumita ng 2,400 New Zealand dollars o 89,000 pesos.

Isa sa mga requirements ay ang hindi bababa sa tatlong taong experience sa ibang bansa ang aplikante dahil kailangan ito sanay siya sa paggamit ng mga modernong equipment.

Ang Philippine Association of Service Exports Incorporated (PASEI), ay kasalukuyang tinatawagan ang lahat nang naging employer ng aplikante dahil sa mahigpit na requirement sa experience sa trabaho.

Ayon sa PASEI, umaabot ng hanggang tatlong buwan ang application process para sa mga magttrabaho sa New Zealand.

Ang kagandahan dito, walang placement fee at pwede rin mag apply at dalhin ang buong pamilya pagkatapos ng isang taong pagttrbaho sa New Zealand.






Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!