Isang Pekeng Dentista Timbog sa Tarlac City!




Arestado ang isang nagpapanggap na dentista sa entrapment operation sa Tarlac City, Philippines.
Ang suspek ang kinilalang si Ma. Isabel Garcia, 22, isang estudyanteng kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management.

note: this image is for illustration purpose only




Ayon kay Dr. Mario Guaing Jr., isang dentista, isa sa kanyang mga pasyenteng nagpakabit ng braces sa suspek ang humingi ng tulong sa kanya.
Isang video ang nakuha ng nagrereklamong pasyente, kita rin mali ang pagkakabit ng braces at wala pang suot na guwantes o facial mask ang suspek.

Ayon kay Dr. Guian, "Nagpunta 'yung patiebt ko, namamaga na ang ngipin. Tinanong ko siya kung sino ang gumawa. Sabi ko, 'gusto mo akong tulungan hulihin natin iyan." 
Sa tulong ng mga awtoridad, nagsisilbing asset ang sekretarya ni Dr. Guiang at nagpanggap na pasyenteng magpapakabit ng braces sa suspek para mahuli ito.
Ang narekober mula sa suspek ay nasa P3,000 marked money lamang kasama ang iba't ibang gamit sa pagkakabit ng braces.
Todo-iyak ang babaeng suspek sa estayon ng pulis . Nahaharap ito s kasong paglabag sa Dental Act of 2007.
*PAALALA: kilalanin muna ng maigi ang dentista bago pumayag sa anumang dental treatment na gagawin para maiwasan ang mga ganitong insidente. 



source: news.abs-cbn

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!