Pinay Allegedly Gave Birth to a Snake in South Cotabato!





Usap-usapan sa ngayon ang pagsilang ng umano’y ahas ng isang 37 taong gulang na ginang sa isang bayan sa lalawigan ng South Cotabato.

Una umanong nakaranas ng pagsusuka ang ginang hanggang sa lumala ang kondisyon nito, nangayayat at halos hindi na makakain dahil sa sobrang sakit na nararamdaman sa kayang tiyan.
Maging ang asawa nito na nagtatrabaho sa Maynila ang nagduda na buntis ang asawa nito dahil huli siyang umuwi noong Enero 5, at nasa kondisyong buntis na umano ang kanyang asawa.

Hindi malaman ng mga magulang ng Ginang kung saan sila lalapit sa kondisyon ng kanilang anak. Tatlong ospital umano ang pinagdalhan sa Ginang at ang findings ng doctor ay buntis ito. Nag-pregnancy test din umano ang ginang at isinailalim sa ultrasound ngunit hindi makumpirma ng doktor na bata ang nasa sinapupunan dahil pahaba ito. Kaya’t pumunta na sa albularyo ang mga magulang ng Ginang.





Pitong albularyo umano ang nilapitan nila at ang panghuli ang siyang nagsabing kaya niya itong alisin sa tiyan ng Ginang. Halos isang buwan din na nasa albularyo ang Ginang at sa tulong ng isang hilot nagsilang ito. Pinilit siya umanong mag-ere upang maipalabas ang ahas. Umabot umano sa 2 talampakan ang haba ng ahas na may mga ngipin na parang “piranha”. Buhay pa ito ng lumabas sa sinapupunan ng ginang.



Ang ina mismo ng ginang ang pumatay sa ahas sa pamamagitan ng pagtusok ng pinatalim na “bagakay” at sinunog ito. Sa ngayon, nagpapagaling na ang ginang at humiling na hindi ipaalam sa publiko ang pangalan nito. Minabuti ng Bombo Radyo na itago ang identity ng biktima at pamilya nito dahil sa kahilingan nila sa Bombo News Team.

Nagpapasalamat naman sila sa Maykapal dahil ligtas na ito sa ngayon.

Source: Info Inquirer

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera