Halamang Gamot: Mga Sakit na Maaring Magamot ng Bayabas




Alam niyo ba na ang Bayabas ay isa ring superfruit na nagtataglay ng mga sustansiya na kailangan ng ating katawan upang labanan ang mga malalang sakit.



ANONG SUSTANSIYA MAYROON ANG BAYABAS?

Hindi lang ang bunga ng bayabas ang maaring makapagpagaling ng mga sakit dahil pati ang dahon nito ay may sustansya na maaring may benepisyo sa kalusugan. 





ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BAYABAS?

1. Sugat-  Ang bayabas ay kilala sa isa sa mga nakakapagpagaling ng sugat sa katawan. Ito ay may medicinal benefits sa mga sugat sa balat. Tapalan ang mga sugat ng dinikdik na dahon ng bayabas at maglaga ng dahon nito at gamiting panghugas ng sugat ang katas nito.

2. Pagtatae- Uminom ng pinaglagaan ng tinadtad na dahon ng bayabas o kaya naman ang ugat at balat ng kahoy ng bayabas para sa mga nagtatae o nagddiarrhea.


3. Rayuma- Ito ay nakakatulong sa mga rayuma sa paa.  Pagtapal ng dinikdik na dahon ng bayabas ay epektibo para maibsan ang rayuma.

4. Ulcer- Uminom ng pinaglagaan ng dahon ng bayabas kung mayroong pananakit sa sikmura upang makakatulong ito sa mabilis na pag galing.

5. Bagong Tuli at Bagong Panganak- Ang pinaglagaan ng dahon ng bayabas ay epektibo sa paghuhugas sa puerta ng bagong panganak at ang pagpapagaling sa sugat sa bagong tuli. 



6. Pamamaga ng Gilagid at Pananakit ng Ngipin- Nguyain ang dahon ng bayabas upang mabawasan ang pananakit ng ngipin. Ito rin ay makakatulong upang mapahupa ang pamamaga ng gilagid. 






PAANO GAMITIN ANG BAYABAS PARA SA MGA SAKIT?

Narito ang mga direksyon kung paano gamitin ang bayabas para sa mga nararamdaman na sakit. 

1. BUNGA- Kumain ng Bunga ng bayas o gamitin itong sangkap sa mga putahe.

2. DAHON- Ang Dahon ng bayabas ay maaring ilaga at inumin ang pinaglagaan ng dahon ng bayabas. Maari rin itong dikdikin at nguyain para mas makuha ang katas nito o ilagay sa mga sugat upang makatulong sa pagpapagaling.

3. UGAT- Maari rin ilaga ang ugat nito kasama ang mga dahon at inumin ito parang tsaa










source: kalusugan.ph

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay