KILALANIN: Isang estudyante mula Davao City na may anim na pangalan ang may pinakamahabang pangalan sa Pilipinas!




Karamihan sa atin ay may isa, dalawa o minsan pa nga ay tatlong “First Name” na minsa’y nagpapahirap sa atin sa pagsusulat at lalo na sa pagfill-up ng form.

Kilalanin ang isang babaeng may anim na pangalan at tumalo kay Uvuvwevwevwe Onyetenyevwe Ugwemubwem Ossas! Siya ay si Tsianina Levounne Amberly Reese Heather Margaret Barcelona Mendoza na tubong Don Carlos, Bukidnon na ngayon ay nag-aaral sa Davao City. Nag-iisa namang anak si Tsianina ng mag-asawang sina Rey Anthony Mendoza at Dzejla Austin Claire Mendoza.

Viral ngayon sa social media ang Senior High School estudyante ng Universidad ng Mindanao matapos i-post ng isang guro ang kanyang school ID na nagpapatunay na siya ang may napakahabang pangalan sa kanilang paaralan. 



Ayon pa kay Tsianina, ang kanyang ina ang nagbigay ng kanyang pangalan na ang bawat pangalan ay may mga kahulugan. Ang Tsianina hango sa paboritong Hollywood Actress ng kanyang ina, ang Margaret hango sa pangalan ng isang Royal Princess, ang Reese mula sa paboritong chocolate ng kanyang ina at ang Levounne Amberly at Heather kinuha sa mga pangalan mula sa napanood na pelikula ng kanyang ina.

Aminado naman si Tsianina na nahihirapan siyang isulat ang napakahabang pangalan kaya naman noong elementarya pa lamang siya at kung may pagsusulit ay Margaret na lamang ang kanyang isinusulat sa papel.

Pero noong nasa high school na siya, ang Tsianina naman ang kanyang ginamit. Ayon sa kanya, nasanay na rin s’ya sa kanyang pangalan at hindi niya inakalang ito pa ang magdadala sa kaniya ng kasikatan.

Umabot na sa mahigit 1,000 shares ang trending post.

Source: ABS CBN News

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira