Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay
Karamihan sa atin nagiging problema ang pagkakaroon ng mga langgam sa bahay. Marami ang inis na inis sa tuwing nakakakita ng langgam na nakapila sa sahig ng ating bahay. Sa kabila ng lahat na pamamaraan na nagawa mo na, heto parin ang mga pesteng langgam na bumabalik. Bagaman may mga nabibiling kemikal na spray para mapatay ang mga langgam, masyadong delikado ito sa ating kalusugan lalo na kung ito ay naamoy ng mga kasamang bata sa bahay. Narito ang ilan sa mga Natural at mabisang pamatay ng langgam na hindi toxic sa ating kalusugan: 1. Sukang Puti Ang sukang puti ay isa sa mabisang sangkap upang mapuksa ang mga langgam sa bahay. Paghaluin ang magkaparehong sukat ng suka at tubig sa isang lagayan na spray container o tabo, I-spray ito sa madalas na dinadaanan ng mga langgam tulad sa mga paligid ng kitchen counters o sa sahig at gilid ng table kung saan may pagkain. Ito ay may mabagsik na amoy na ayaw na ayaw ng mga pesteng langgam sa bahay
Comments
Post a Comment