Coleen Garcia still Hopes that Billy's Parent would attend their Wedding on April!






Umaasa pa rin si Coleen Garcia na makakarating ang mga magulang ng nobyong si Billy Crawford sa kanilang nalalapit na kasal sa Abril.

"Actually kasi 'yung parents ni Billy, medyo lumalala na 'yung mga sakit nila. So, we are still praying na sana they will be well enough to travel," ani Coleen sa "Magandang Buhay" nitong Lunes. Pag-amin ng aktres, hindi magiging madali ang pagbibiyahe ng mga magulang ni Billy dahil na rin sa layo nito.




Wala daw kasiguraduhan kung makararating ang mga magulang ni Billy Crawford sa kasal niya dahil sa kalagayan ng mga ito na nasa ibang bansa. Ito ang kuwento ni Billy para sa nalalapit na kasal nila Coleen Garcia. “I’m not sure. Kasi both of them, medyo malala ‘yong kalagayan nilang dalawa, so I don’t want to dwell and ayoko ring mapunta ‘yong atensyon sa kanila. Actually, hindi sila pinayagan ng mga doctor.”

"Ang problema kasi is 'yung plane ride. Saka 'yung part kasi ng Texas kung saan nakatira 'yung parents ni Billy ay sobrang layo. Hindi lang siya isang flight, may road trip pa, tapos may connecting flights. Medyo stressful din for them," ani Coleen. Ayon sa aktres, makapunta man o hindi ang mga magulang ng kanyang mapapangasawa ay sisiguraduhin nilang sila ang pupunta sa Texas.




Pipilitin daw nila ng kanyang nobya na puntahan ang kanyang mga magulang sa Texas bago sila ikasal. Sabi pa niya, “Medyo sad, so baka kami ni Coleen ang umalis papunta sa kanila prior to our wedding out of respect din naman. Actually, kung talagang papipiliin, I prefer them to come in, ‘di ba? Pero kung hindi talaga kakayanin, h’wag pilitin. Baka kung ano pang mangyari, pagsisisihan ko pa.”

Aminado naman si Billy at Coleen na malungkot sila kung sakaling hindi na talaga makaka-attend ng kasal ang kanilang mga magulang ni Billy. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin isinasapubliko ni Billy ang eksaktong petsa ng kasal nila ni Coleen. Ang sigurado lang ay magaganap ito ngayong Abril 2018 at very excited na din daw silang dalawa.

Source: ABS CBN Entertainment



Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!