Mga bisita ng isang kasal, nagsalo sa take-out burger dahil hindi sumipot ang Caterer!





Kilatising mabuti ang cater na kukuhanin sa kasal, ito ang natutunang leksyon ni Mel Sanchez nang hindi sumipot ang biniling caterer sa araw mismo ng kaniyang kasal. Unang church wedding noon ni Sanchez sa kaniyang asawa nang makaramdam ng kaba sa umaga palang ng mismong araw kanilang kasal.  Aniya, buong araw nilang hinintay ang mga bulaklak at pagkain mula sa supplier na nadiskubre lang nila sa internet. Binayaran nila ito ng P62,000.

"Okay siya kausap. May resibo, may contract so naging confident naman ako na legit. Wala akong hint na magkakaroon ng problema," kuwento ni Sanchez. Pero natapos ang reception noong hapon pero mga mesa, upuan, at photo booth lang ang dumating at wala pa ring pagkain.  Kaya't take-out burger at juice pack lang ang naipakain nila Sanchez sa mahigit 100 bisita.



"Nahiya din kami doon sa mga bisita although hindi naman sila nagpahalata na nagugutom sila. Siyempre 'yung mga iba galing pa sa malalayong lugar. May isa nag-collapse pa after nung event sa sobrang gutom," kuwento niya. Pagkatapos ng kasal ay na-block na si Sanchez ng may-ari ng kompanya at hindi na rin sumagot ito sa mga text. Nagpa-blotter si Sanchez sa barangay ng caterer sa DasmariƱas at naghahanda na siya sa isasampang kaso.



Ayon sa barangay, pang-apat na itong reklamo laban sa caterer.  Hinaing ni Sanchez, nasaktan siya hindi dahil sa perang nawala kundi sa nasirang pagsasalo.  "Yung pinaghirapan namin na savings sayang pero higit dun yung nasayang na moment dun sa kasal. Mabalik man 'yung pera pero 'yung lost moment hindi maibabalik," ani Sanchez. Isang events company naman ang nag-presinta na ulitin nang libre ang kasal ni Sanchez.

Source: Youtube

Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?