Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay




Karamihan sa atin nagiging problema ang pagkakaroon ng mga langgam sa bahay. Marami ang inis na inis sa tuwing nakakakita ng langgam na nakapila sa sahig ng ating bahay. Sa kabila ng lahat na pamamaraan na nagawa mo na, heto parin ang mga pesteng langgam na bumabalik. 

Bagaman may mga nabibiling kemikal na spray para mapatay ang mga langgam, masyadong delikado ito sa ating kalusugan lalo na kung ito ay naamoy ng mga kasamang bata sa bahay.

Narito ang ilan sa mga Natural at mabisang pamatay ng langgam na hindi toxic sa ating kalusugan:


1. Sukang Puti



Ang sukang puti ay isa sa mabisang sangkap upang mapuksa ang mga langgam sa bahay. Paghaluin ang magkaparehong sukat ng suka at tubig sa isang lagayan na spray container o tabo, I-spray ito sa madalas na dinadaanan ng mga langgam tulad sa mga paligid ng kitchen counters o sa sahig at gilid ng table kung saan may pagkain. Ito ay may mabagsik na amoy na ayaw na ayaw ng mga pesteng langgam sa bahay.

2. Kalamansi o Lemon


 Ang maasim na amoy ng kalamansi ay nakakapagpalayas sa mga langgam. Magpahid ng katas ng kalamansi sa mga pintuan at sa mga lugar na alam mong dinadaanan ng mga langgam. Gawin mo ito sa loob ng ilang araw upang tuluyan mawala ang iyong problema sa langgam.

3. Baking Soda



Paghaluin ang Baking Soda at powdered sugar o confectioner's sugar (yung ginagamit sa pag bake). Ibudbod ito sa mga dinadaanan ng mga langgam. May acidic substance ang mga langgam kaya kapag nakain nila ito, magrereact ito sa kanilang katawan at sila ay mamamatay.

4. Pulbos o Baby Powder

 Isa ring mabisang paraan ang pag taktak ng pulbos sa mga gilid ng bahay upang walang langgam ang makadaan dito. Mag taktak ng pulbos sa mga daanan ng bahay tulad ng cabinet, table, upuan o pintuan.


Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'