WATCH: Woman who doesn't want to get away from her bag, passes through a X-ray Scanner!




Isang ginang sa Tsina ang sumama sa kaniyang handbag na lumusot sa X-ray security scanner ng isang istasyon ng tren dahil umano sa takot na siya ay manakawan ng pera. Linggo nang makuhanan ng video ang hugis ng isang babae habang dumadaan ito sa loob ng X-ray machine sa isang railway station sa Dongguan, isang lungsod sa timog Tsina.



Nag-viral ang video at higit tatlong milyong beses nang napanood. Makikita rin sa video ang pagkagulat ng ibang pasaherong nag-aabang ng kanilang gamit sa dulo ng conveyor belt nang lumabas sa makina ang babae. Ayon sa mga ulat, nangamba umano ang ginang na manakaw ang perang nasa loob ng kaniyang bag. Kaya sa halip na mawala ito sa kaniyang paningin ay sinakyan din niya ang conveyor belt at dumaan sa X-ray scanner.





Sinita ng maraming netizen ang mas pagbibigay-halaga ng ginang sa pera kaysa sa sariling kalusugan nang suungin nito ang makina. Mapanganib kasi umano sa kalusugan ang mga X-ray na nasa mga security scanner, na karaniwan sa mga istasyon ng tren at sakayan ng bus sa Tsina.

Panuorin ang buong video dito: http://www.dailymail.co.uk/news/article-5385431/Woman-climbs-X-ray-machine-security-checks.html#v-2150770282690949281

Source: Daily Star UK


Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay