Mga Sakit na Konektado sa Pananakit ng Iyong Sikmura

Madalas ba sumakit ang iyong sikmura at hindi mo alam kung ano ang mga sakit na maaring konektado sa iyong sikmura? Ang pananakit ng sikmura ay isang pangkaraniwang kondisyon na maaaring senyales o sintomas ng abnormalidad o karamdaman na nararanasan sa isang bahagi na nasa loob nito. Narito ang ilang kondisyon na posibleng konektado sa pananakit ng inyong sikmura! 1. Kabag Isa ang kabag sa mga sanhi ng pananakit ng iyong sikmura. Ang kabag ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng sobrang hangin ang iyong tiyan. Patuloy ang mararamdaman na sakit sa tiyan kapag hindi nawala ang hangin na nakapasok sa loob. Tandaan na ang sanhi nito ay ang madalas na paginom ng carbonated drinks, pagtutok sa aircon habang natutulog o kaya naman sa pagsasalit habang kumakain. 2. Ulceer o hyperacidity Kapag ang pananakit ng iyong tiyan ay nagsisimula sa itaas at sa gitna o bandang kaliwa, posibleng ulcer o hyperacidity ang inyong sakit. Nagsisimula ang s