Isang OFW ang Nakuhanan ng Larawan matapos Matulog gamit ang Plastic bilang Higaan at Kumot!





Ang pagkakaalam ng marami na ang pagtratrabaho sa ibang bansa ay isang madaling hanapbuhay kasi ikaw ay kumikita na Malaki. Pero ang katotohanan nito ay hindi ito madali at malayo sa paniniwala natin. Marami tayong nababalitaan gaya ng pangaabuso ng mga amo sa kanilang mga tao at iba pa. Ngunit itong storya na ito ay patungkol sa isang OFW na babae na nakunan ng larawan matapos makitang siya ay natutulog sa isang malamig na sahig na tanging plastic lang ang kanyang gamit bilang kama at kumot.

Isang domestic worker din ang nagreport sa sitwasyon ng babaeng ito sa Facebook. Nabanggit dito na kasama niya ang kanyang employer na pumunta sa isang kaibigan nito at nagulat siya ng Makita niya ang isang OFW ang dumaranas ng ganito.




Lumalabas na ang babae ay natutulog talaga sa sahig gabi gabi na tanging plastic lang ang nagsisilbing higaan nito. Natutulog ang OFW na ito sa parang isang siksikang pantry room. Bagamat hindi alam ng kumuha ng larawan ang totoong kwento sa likod ng kanyang Nakita or kung ano ba ang napagkasunduan sa kontrata, siya ay nabahala sa kalagayan ng kanyang kapwa OFW.

Pinost niya ito sa Facebook para matulungan ang kapwa niya kababayan. Naalarma naman ang mga netizens at dali daling sumagot sa pagkakawang gawa na ginawa ng babaeng nagpost sa social media. Sana ay naalarma ang Philippine Embassy o di kaya ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa post na ito.


Ang balitang kagaya neto ay nagpapakita lamang na hindi lahat ng nagtratrabaho sa iabng bansa ay masya ang pamumuhay. Minsan ay nagsasakripisyo ng todo ang mga manggagawa na katulad nito upang labanan ang kalungkutan masigurado lang na may maipapadala sa bansa natin. Sana naman ay natulungan na ngayon ang OFW na kumalat sa social media.

Source: TNP PH


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa