Kilalanin ang kapatid na babae ni Daniel Padilla na nagcelebrate kamakailan ng kanyang ika 16 na kaarawan!




Kamakailan ay isang birthday party ang naging viral sa mga netizens sa social media. Kumalat ang mga larawan ng isang napakagandang babae na nagdiwang ng kanyang kaarawan. Ito pala ay walang iba kundi si Margaret Planas, na ngayon ay sikat na sa social media at ito pala ay half-sister ng Teen King na si Daniel Padilla.

Makikita sa Instagram post ng kanyang ina na si Karla Estrada, ang dalaga ay nagdiwang ng kanyang ika 16 na kaarawan kasama ng kanilang pamilya at ilang mga malalapit na kaibigan. Simple ngunit makulay ang selebrasyon na nangyari.




Ipinanganak si Margaret Planas noong Marso 5, 2002. Anak siya ng Tawag ng Tanghalan judge at Magandang buhay na host na si Karla Estrada at dating Quezon City councilor Mike Planas. Bagamat magkaiba ang ama ni Margaret at Daniel Padilla makikita ang pagiging malapit ng magkapatid sa isa’t-isa Kabilang din ang iba pa nilang kapatid na si JC at si Carmela.

Gaya ng mga ibang kabataan ngayon, ibinahagi ni Margaret ang pagkahumaling at pagkahilig sa Korean Popular o tinatawag na K-pop music. Isa si Park Chanyeol ng Exo ang pinakahuhumalingan niyang iniidolo sa Kpop na talaga namang makikita natin sa kanyang mga Instagram post.






Kamakailan ay dumalo din siya sa isang meet and greet event ng isang Korean superstar na si Nam Joo Hyuk na siyang bida ng seryeng Weightlifting Fairy ditto sa Maynila at nakasama pa niya sa isang litrato ang mga band members ng isang Kpop male group na tinatawag na Halo.

Source: Pilipino Community


Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!