Kilalanin ang mga Pinoy Celebrities na Mayroong mga Mamahaling Jets at Helicopter!






Ang buhay ng isang napakayamang celebrity ay mabibili ang kahit ano sa kanyang buhay na hindi kayang bilhin ng ordinaryong tao. Narinig na natin ang mga yate at mga mamahaling sasakyan ng mga celebrities na ating iniidolo sa mga nakalipas na taon. Ang pagkakaron nila ng mga ganoong bagay ay bahagi ng kanilang kasikatan at kayamanan. Pero alam niyo ban a ilan pa sa kanila ay talagang may ari ng mga pribadong helicopters at jets?

Eto ang mga listahan ng celebrities na talagang mayroon silang mga sasakyang panghimpapawid na pansarili.

Willie Revillame
Ang sikat na host comedian na si Willie Revillame ay mayroong pribadong jet. Ayon sa Yes Magazine noong 2015, binili ni Willie ang isang 30-seater Dornier 328 private jet na aabot sa 200 million pesos! Balibalita din umano na pinahiram nito ang isang international artist na si Justin Bieber noong nagpunta siya ditto sa bansa papuntang Taclobon para kamustahin ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda.




Senator Manny Pacquiao
Noong 2012, binili ng legendary boksing champion at politician na si Manny Pacquia ang isang 5 seater jet Ranger helicopter na aabot sa 18 million pesos. Binili niya ito para sa pansariling gamit.



Gretchen Barretto
Isa si Gretchen Barretto na mayroong pribadong jet. Noong nakaraang taon nagbigay siya ng pasilip sa loob ng kanyang mamahaling jet sa kanyang mga tagasubaybay sa Instagram. Pinakita niya ang loob habang lumilipad siya patungong Taiwan.



Luis “Chavit” Singson
Sa larangan naman ng mga businessman, ang president at chairman ng LCS group of companies ay may ari ng Boeing 737. Madalas gamitin ni Chavit ang eroplanong ito sa kanyang mga business related na byahe. Ginamit din umano ng mga kandidato sa Ms. Universe 2016  ang eroplano habang nilibot ang buong Pilipinas.

Ano ang masasabi niyo sa mga pribadong jet at eroplano na pagmamayari ng inyong mga paboritong celebrities o kilalang personalidad?

Source: Trendy Feed

Comments

  1. They're truly mayayan at God bless po sainyo!!!! Gaya ko PO na isang ordinaryong mamamayan na kahit my lupa pero walang cash na marami o walang extra Kita at cash ay talagang pinagpala po kayo. Sana makatulong kayo say mga jababayan nyo na may sakit at walang Wala talaga.

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa