Kumalat ang Viral Video ni Raffy Tulfo na sinaklolohan ang isang PWD matapos tanggihan Isakay ng Taxi!






Tunay na makamasa talaga si Raffy Tulfo sa loob at labas ng studio. Kahit na ang 58 year old na host ay off-duty mula sa  kanyang palabas, ay sinisigurado na niya na makakatulong siya sa iba at masososlusyonan ang problema ng ibang tao. Isang halimbawa neto ay ung saan ay nakakita siya ng isang taxi driver na hindi nagsakay ng isang pasahero.

Bagamat ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay mainit na sinasapubliko ang laban sa mga taxi drivers na mahilig hindi magsakay ng mga pasahero, madami padin ang mga drivers ang may matitigas ang ulo ang nagkalat. Ngunit ang isang taxi driver ay nasampolan matapos niyang makatapat at mahuli sa akto ng walang iba kundi si Raffy Tulfo mismo.




Habang siya ay papasok papunta sakanyang show, nakuha ng kanyang atensyon ang isang matandang babae na may kapansanan ang sasakay sana ng taksi. Habang kasalukuyang tirik ang araw ay naghihintay ng taksi ang babaeng ito sa gilid ng kalsada. Ngunit sa hindi katagalan ay merong huminto taksi sa kanyang harap ngunit pagtapos nilang magusap ay hindi ito isinakay ng driver. Papaaalis at patakas na sana ang driver na ito ng makita ni Raffy at siya mismo ang kumausap at hindi ito hinayaang umalis.



Pagtapos niyang makausap ang driver, napilitan ang driver na isakay ang pasahero. Bago matapos ang pangyayari, siniguro din ni Raffy na hindi uutakan ng driver ang pasahero at siya mismo pa ang nagbigay ng pamasahe at binayad naman ito kaagad. Ang buong pangyayari ay nakunan ng camera. kaya naman viral ngayon si Raffy dahil sa kanyang kabutihan on at off camera.

Panuorin ang buong video dito:
https://web.facebook.com/raffytulfoinaction/videos/1914716382153065/?t=5

Source: Pilipino News


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa