Mga Sakit na Konektado sa Pananakit ng Iyong Sikmura







Madalas ba sumakit ang iyong sikmura at hindi mo alam kung ano ang mga sakit na maaring konektado sa iyong sikmura? Ang pananakit ng sikmura ay isang pangkaraniwang kondisyon na maaaring senyales o sintomas ng abnormalidad o karamdaman na nararanasan sa isang bahagi na nasa loob nito. 

Narito ang ilang kondisyon na posibleng konektado sa pananakit ng inyong sikmura!

1. Kabag
Isa ang kabag sa mga sanhi ng pananakit ng iyong sikmura. Ang kabag ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng sobrang hangin ang iyong tiyan. Patuloy ang mararamdaman na sakit sa tiyan kapag hindi nawala ang hangin na nakapasok sa loob. Tandaan na ang sanhi nito ay ang madalas na paginom ng carbonated drinks, pagtutok sa aircon habang natutulog o kaya naman sa pagsasalit habang kumakain. 




2. Ulceer o hyperacidity
Kapag ang pananakit ng iyong tiyan ay nagsisimula sa itaas at sa gitna o bandang kaliwa, posibleng ulcer o hyperacidity ang inyong sakit. Nagsisimula ang sakit na ito kung madalas kayo hindi kumain sa tamang oras, kapag walang laman ang inyong tiyan at ang pag inom ng sobrang alak ng walang pagkain ang sikmura. Nagkakaroon ng sugat ang atin lining sa sikmura dahil sa sobrang acid na siyang nagdudulot ng pananakit.





3. Gastroenteritis
Ang pagkakaroon ng kondisyon na gastroenteritis ay ang pagkakaroon ng impeksyon ng virus o bacteria sa loob ng tiyan. Ito ay kadalasan nangyayari kapag ang kinakain nating pagkain ay kontaminado ng virus o bacteria. Maaring maghilab ang inyong tiyan at kayo ay magtae kapag amyroon kayong Gastroenteritis.

4. Impatso
Impatso o indigestion ay isang karamdaman na kung saan mabagal ang pagproseso ng tiyan sa pagtunaw ng pagkain. Ito ay nangyayari kapag hindi masyadong nanguya ng mabuti ang kinakain o masyadong mabilis ang pagkain. Importante ang pagkain ng dahan dahan at kumain lamang ng kayang kainin upang kayo ay matunawan.



5. Amoebiasis o entamoebiasis
Ang amoebiasis ay isang uri ng impeksyon na nakakaapekto sa ating bituka o intestinal tract. Ito ay dala ng amoeba o isang uri ng mikrobyo na nagdudulot ng iba't ibang sintomas gaya ng dyspepsia o diarrhea. Kapag kayo ay madalas na dumumi na may bahid ng dugo maari itong sanhi ng amoebiasis.

6. Appendicitis
Ang appendicitis ay isang kondisyon kung saan may inflammation ang isang bahagi ng ating bituka. Kung ang pananakit ng tiyan ay sa may bandang kanan at ibaba ito ay maaring apektado ang iyong appendix. Ang sakit na ito ay maaring magsimula sa 2-3 araw at lumilipat sa kanang bahagi ng tiyan. Importante magpakonsulta agad sa doktor.


7. Kidney Infection o Kidney Stone
Kapag madalas ang pananakit ng inyong tiyan sa may bandang puson na bahagi at sa may bandang likod, ito ay maaring sintomas ng kidney stone. Ito ay isang kondisyon kung saan may impeksyon ka sa ihi o bato sa iyong kidney. Magpacheck sa iyong doktor upang matukoy ito ng tama.


Tandaan: Ang mga sakit na ito ay gabay lamang upang matukoy ang ilang kondisyon na maaring konektado sa inyong tiyan. Mainam padin ang magpakonsulta sa inyong doktor upang matukoy ng tama ang dahilan ng inyong pananakit ng sikmura.




source: kalusugan.ph






Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya