Mga Sikat na Artista na may Natural Beauty at Walang Halong Retoke





Likas na magaganda ang mga artista sa Showbiz Industry sa ating bansa subalit mayroon padin na mga artista na nagpaparetoke o nagpapa-enhance ng kanilang mukha upang mas gumanda sila. 
Piling pili nalang ang mga artista na may natural na ganda na walang retoke o peke sa kanilang mukha. Narito ang listahan ng mga pinay celebrities na itinuturing na pinakamaganda at walang halong retoke sa kanilang mukha dahil sila ay may all natural beauty:

1. Anne Curtis
Si Anne Curtis-Smith ang pinaka sikat at kilala na walang bahid ng retoke sa kanyang mukha dahil simula bata palang ito, kitang kita na ang kanyang natural beauty sa kanyang mga movies noon. Siya rin ay isang Filipino-Australian actress, tv host at recording artist.


2. Liza Soberano
Walang duda na si Liza Soberano ay isa sa pinakamagandang artista worldwide. Siya ay isang Filipino-American actress at commercial model. Ang likas na ganda ni Liza ay sikat na sikat maging sa ibang bansa.

3. Coleen Garcia
Ang aktres at Tv host na si Coleen Garcia ay isa may pinaka fresh na mukha sa showbiz. Bukod sa kanyang natural beauty, si Coleen ay kilala rin dahil sa kanyang magandang katawan na hinahangaan ng marami.


4. Maine Mendoza
Bago pa sumikat si Maine Mendoza, may mga videos na ito na nagpapatunay na may likas itong ganda. At kahit ngayong sikat at kilalang kilala na siya, hindi pa ito nagparetoke ng kanyang mukha dahil may natural beauty na ito.






5. Angelica Panganiban
Si Angelica ay kilalang kilala sa kanyang mga sikat na movies noong siya ay bata pa sa showbiz. Makikita na likas na may angelic face si Angelica Panganiban at wala nang kailangan pa itong baguhin sa kanyang physical appearance.




6. Kristine Hermosa
Si Kristine Hermosa ay isang Spanish-Filipina actress na kilalang kilala sa kaniyang role na "Yna" Macaspac sa Primetime drama na "Pangako Sa'yo". Natural ang kanyang flalwess skin at beauty kahit noong bata pa ito.


7. Andi Eigenmann
Isa si Andi Eigenmann na walang takot na magpost ng kanyang mga pictures sa Social Media kahit wala itong makeup sa mukha. Likas ang ganda at pinkish skin ni Andi kaya naman isa ito sa may magandang mukha sa showbiz.

8. Julia Barretto
Kilala ang Barretto clan na may pinakamagandang mukha sa showbiz industry. Si Julia ay pure Filipina actress na anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. May makeup man o wala, si Julia ay may natural beauty at flawless skin!


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa