OFW Labis na ikinatuwa na makauwi na sa Pinas, kahit na Php 2,000 lang ang kanyang pera!





Ang pagpasok ng 2018 ay isang panibagong pagasa para sa mga OFW na pinoy na nasa Kuwait. Ngayong buwan ng Pebrero ay ipinagbawal na ni President Duterte ang pagtratrabaho ng mga pinoy as Middle East na mga bansa, kaya naman may mga ilang OFW na ang napabalik ng Pinas.

Nangyari ang pag ban ng employment sa Kuwait matapos matagpuan ang isang OFW sa loob ng isang freezer matapos patayin ng mga walang pusong amo nito. Ang paglaganap ng ganitong klase ng kaso para sa ating mga OFW ang nagtulak para sa ating president na umaksyon at magsagawa ng batas na ito.





Madami naman ang samut-saring reaksyon patungkol dito. May mga ilan ang nadismaya dahil wala na silang pagasa na makapagtrabaho sa bansang ito at ang iba naman ay natuwa sa aksyon dahil maiiwasan na ang pagaabuso ng bansang ito sa ating mga kapwa Pilipino na OFW.

Isa sa mga naapektuhang OFW ay si Aurora Nacion, na napunta rin sa kamay ng mga mapangabusong amo. Kahit na mayroon lamang siyang 2,000 na kanyang pera ay natuwa siya dahil uuwi na siya ng Pilipinas at makakasama na ang kanyang mga mahal sa buhay. Si Nacion ay isang residente sa Tondo Maynila. Naalala niya kung pano siya inaabuso ng kanyang mga amo sa isang ekslusibong interview sakanya.



Katulad ng maraming OFW, iniwan ni Aurora ang kanyang maganak kabilang na ang lima niyang anak upang makipagsapalaran sa ibang bansa. Tiniis niya ang mga nakakapagod at halos walang tulog na araw para lang makapagpadala ng pera sa kanyang pamilya ditto sa Pinas. Kaya naman talagang nalulungkot siya dahil sa pagkamiss niya sa mga ito sa tuwing naalala niya habang nagtratrabaho.

Labis na ikinatuwa naman ni Aurora ang pagtulong sa kanilang mga OFW na makabalik sa bansa. Isa sa mga anak ni Aurora ang hindi napigilan ang emosyon ng Makita ang kanyang ina at makasama na dito sa Pinas.

Panuorin ang kanilang pagtatapo sa video na ito:  https://youtu.be/qJw-Qusgu9w

Source: Pilipino Community

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse