Viral ang Isang Estudyante na Working Student ngayon ay Isang Opisyal na empleyado na!






Ngayon na ang panahon ng mga magmamartsa sa paaralan. Dahil season na ng graduation, siguradong madami nanaman ang mga estudyante na nagbabalik tanaw sa kanilang mga pinagdaanan sa pagiging buhay estudyante! Gayunpaman kahit na wala ng bago dito, ay merong mga kwento ang totoo at tunay na nakakapagbagbag damdamin. Isa na dito ay ang kwento ni Christopher Dahn J. Saliendra, isang estudyante ng edukasyon ang nagviral matapos siyang magpost ng kanyang graduation photo na may hawak na walis.

Sa kanyang facebook bost a isinulat noong march 18, si Christopher ay nagsaad ng kanyang paghihirap noong siya ay isang working student noong kolehiyo:

Sa loob ng anim na taon, siya ay nakapagtapos ng kanyang pagaaral sa Notre Dame of Marbel University sa South Cotabato na may kursong BS Mathematics. Siya ay inaantabay ng kanyang walis, na para sa kanya, ay isang susi kung bakit siya ay swerte ngayon at kung ano ang kanyang narating.





Ayon sa Definitely Filipino, si Dahn ay nagsimulang maghanap ng kanyang trabaho mula noong Pebrero pa lamang. Salamat sa kanyang post na umabot ng 230,000 reach sa facebook, na tumulong upang makuha ang atensyon ng mga employer. At ngayon ay meron na siyang propesional na trabaho.

Inaabangan ngayon ni Dahn ang kanyang padating na Licensure Examination for Teachers (LET) para madagdagan ang kanyang mga nakamit.

Source: Pilipino News

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!