A 66-year-old woman in Cotabato City completes Grade 10 and moves up to senior high school






Isang business legend na nagngangalang Henry Ford ang minsang nagsabi na: “Anyone who stops learning is old, whether at twenty or eighty. Anyone who keeps learning stays young.” Dahil sa mga katagang ganito, pinatunayan ng isang 66 year old na lola na ang edad ay sadyang numero lamang na siya naman ay nakatapos ng kanyang pagaaral mula sa Grade 10 sa Cotabato City.

Noong Abril 6, si Lola Amina Akmad ay matagumpay na umakyat sa entablado ng Cotabato City National High School para kunin ang kanyang diploma sa pagtatapos niya ng Grade 10. Isang netizen naman ang nagpost na kinalaunan ay nakilala bilang kaklase ni Lola Amina ang nagbahagi sa social media ng kanyang tagumpay. Ayon sa post, ang 66 year old na lola ay ang pinakamatandang estudyante na nakatapos ng Gradeschool ngayong taong 2018.





Ayon sa ABS-CBN News, ang nakakabatang kapatid ni Lola Amina na si Lolita Brillo ay talagang napaluha sa tuwa at saya ng Makita niya ang kanyang kapatid na nakakuha ng diploma. Ayon sa kanya:  “Napaluha ako sa saya. Pangarap niya ‘yan po. Ayaw kasi siya paaralin ng papang namin. Dahil may deperensiya siya. Ngongo po siya, hindi maka salita nang maayos, at nagsasalita siya mag-isa kapag depressed siya. Masaya kami dahil na fulfill niya yung gusto niya.”






Ayon kay Lolita, pursigido padin ang kanyang kapatid na si Amina na tapusin ang Senior High School at patuloy parin ang pagsuporta niya sa kanyang kapatid. Habang ang CCNHS principal naman na si Panfilo Cedeno ay talagang natutuwa at nagagalak kay Lola Amina bilang isang matandang may pangarap sa sarili. Ayon sa principal: “Isang success story ito na ang edukasyon ay hindi lang sa mga kabataan kundi pati sa mga senior citizen.”

Source: Pilipino News

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'