Ang Buong Kwento Kung Paano Naligtas ang Aktres na si Bianca Manalo sa Boat accident sa Antique





Matapos ang aksidente na nangyari sa Beauty Queen at aktres na si Bianca Manalo at Ehra Madrigal habang sila ay papunta sa Mararison Island noong umaga ng Maunday Thursday, detalyadong ipinahayag at ikinuwento ni Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan sa 'Radyo Todo Aklan' ang buong pangyayari. 
Papunta ang aktres na si Bianca Manalo, Ehra Madrigal at ang iba pang kasama nila sa isang sikat na tourist destination sa Mararison Island noong umaga ng Maunday Thursday, March 29. 
Ayon sakanya, "We are on our way to Mararison with my friends, tapos biglang on our way there from Pandan to Mararison, okey naman yung ano ng dagat."


"But after thirty minutes, on our way there, tatlong malakas na alon, pumasok yung tubig. Pero split seconds, I think mga 15 seconds, tumaob kami."
Si Mayor Tan ang nagdala sa grupo sa Mararison Island upang i-promote ang turismo doon. Ang speedboat na kanilang sinasakyan ay hawak ng driver at bodygaurd ni Mayor Tan na si Bennie Dable, 50 taong gulang na dead on arrival sa ospital matapos nangyari ang aksidente. 
Kasama sa grupo ang aktres na si Bianca at Ehra, Mayor Tan, Majel Treschel, 65, Madrigal's husband Tom Yeung, 47, Torebeo Barrentos, 41 at isang unidentified na babae at dalawang minors. 
"The speedboat came from here, Pandan. Fifteen seconds, tumaob yung speedboat. Tapos problem there, yung life vests, nakatali."




"May life vest pero hindi namin nasuot. Ang bilis eh, Taob as in taob! Pagtaob niya, lahat nakahawak."
"Ako, wala na akong ibang inisip, kasi sa utak ko noon, lulubog yung boat." Dagdag pa niya
"So what I did, may nakita akong container jar, kunuha ko , tapos yung isang life vest doon na nakatali, kinuha ko and then I swam from there to the shore. 
"May nakita ako na shore, pero malayo, siguro four kilometer, three kilometers, medyo malayo talaga. It took me two and a half hours, nag swimming ako, two and a half hours, to get there to ask for help."

Ayon naman kay Bianca Manalo, "I was trying to calm everyone down. Naging pacifier ako ng group. May takot sa puso but lagi akong nagdadasal. Sabi ko Lord Save us, Lord save us. Please Lord, calm the waters. Yun ang lumalabas sa bibig ko. Never akong sumigaw. Puro prayers and kapag natataranta na ang mga kasama ko, kinakalma ko sila. Sabi ko mas malulunod kami kapag nataranta."
Si Mayor Tan ang pinilit humingi ng tulong at nag swimming papunta sa shore. Ayon pa sa kanya, "Malayo sila, nakakapit sila sa speedboat before I left. I made sure, nakahawak sila. Instinct na yun, wala na akong alam gawin kundi to look for a rescue. By doing that, I need to swim."



Kasama ni Mayor Tan si Torrebeo Barrientos na lumangoy papunta sa dalampasigan upang humingi ng tulong. Dagdag pa ni Mayor, " Eight of them, nandoon lahat, may dalawang bata, 8 and 12 years old. Kahit pulikat na kami, bira nang bira, two and a half hours, kasi yung current malakas. Limang beses akong sumuka siguro dahil naano ko yung tubig, nainom ko, saka sa ilong."

"Sumusuko ako ng limang beses, pero laban talaga. Sa awa ng Diyos, before 200 meters, sumisigaw na kami. May isang boat na dumating, sinundo kami and then pagsundo sa amin, bumalik kami ng shore. Nagpakilala ako, nagpahingi ng tulong at sinabi ko, walo pa doon. So, sumakay ako ng malaking pump boat, dumiretso kami doon para i-save sila." Salaysay ni Mayor Tan.





source: pep.ph

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa