10 Kagulat Gulat Na Totoong Pangalan Ng Mga Sikat Na Artistang Pinoy








Marami sa atin na nakasanayan na tawagin sila sa mga pangalan nila sa showbiz. Kaya’t marami sa mga artista ay sikat na sikat sa kanilang mga ginagamit na screen names sa entertainment industry.Halos lahat sa atin, mapabata man ito o kaya ay matanda, kilala at alam kung ano ang mga pangalan ng mga artista dahil sa kanilang kasikatan.


Kaya’t gusto mo bang malaman ang mga totoong pangalan ng mga hinahangaan o iniidolo mong artista na Pinoy?Narito at tunghayan ang mga sumusunod:


1. Vice Ganda



Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Comedyanteng si Vice Ganda, mapabata man o matanda kilalang kila ito. Alam mo ba na Jose Marie Borja Viceral ang tunay na pangalan ni Vice Ganda sa totoong buhay. Siya ay isang magaling na aktor, komediyante at TV host ngunit bago niya nakamit ang kasikatan niya ngayon ay nagsimula muna siya bilang isang matiyagang comedyante sa mga comedy bars. 


2. Coco Martin




Si Coco Martin ay nagmula sa Novaliches, Quezon City. Kilala sa titulong "Prince of Philippine Independent Films". Mapapanood natin siya sa kaniyang teleserye na "Ang Probinsiyano". Sa kaniyang totoong buhay, ang tunay niyang pangalan ay Rodel Luis Nancianceno. 


3. Piolo Pascual


Sino ba naming hindi nakakilala sa hot papa na si Piolo Pascual o tinatawag na Papa P. Ang kaniyang tunay na pangalan ay Piolo Jose Nonato Pascual.Siya ay isang talented na aktor, musician, model at producer. Si Piolo ay isang Filipino na may halong lahi ng Spanish at German.


 4. Heart Evangelista – Escudero


Si Heart ay kilala sa kaniyang tunay na pangalan na Love Marie Payawal Ongpauco - Escudero. Siya ay isang magaling na aktres, model, TV host, VJ, at kialala na rin siya bilang painter. Siya ay anak ng mayamang negosyante. Siya rin ay isang mabutihing asawa ni senador Chiz Escudero. Sila ay nagpakasal sa Balesin Island. 


5. Erich Gonzales




Si Erich Gonzales ay ang grand winner ng Star Circle Quest. Siya rin ay gumanap bilang batang ina sa Katorse at sa sikat na programa ngayon na The Blood Sister. Ang kaniyang tunay na pangalan ay Erika Chryselle Gonzales Gancayco. Siya ay ipinanganak sa lungsod ng Cebu ngunit siya ay namuhay at lumaki sa Davao City. Si Erich ay marami nang nagawang pelikula sa loob at labas ng ating bansa.


6. Bea Alonzo



Si Bea Alonzo ay ipinanganak bilang si Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom. Siya ay kinilala bilang “This Generation’s Movie Queen." Si Bea ay ipinanganak dito sa Pilipinas, ang kaniyang ina ay isang Filipino at kaniyang ama naman ay isang British.Siya ay isang actress,model ,singer at TV host.


7. Sam Milby



Samuel Llyod Lacia Milby ang kanyang tunay na pangalan sa totoong buhay, Mas kilala sa kaniyang screen name na Sam Milby sa mundo ng entertainment. Siya ay isang Filipino – American na ipinanganak at lumaki sa Ohio. Sumikat siya ng matapos siyang sumali sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother noong 2005 ngunit bago pa siya pumasok sa reality show naging commercial model na siya ng isang brand ng toothpaste.


8. Michael V



Siya ay isang Komedyante,Actor,Tv Host. Kilala siya bilang Michael V. o “Bitoy” sa mundo ng entertainment industry.Ang kaniyang tunay na pangalan sa totoong buhay ay Beethoven Bunagan. Ang kaniyang pangalan ay sinunod ng kaniyang ama sa sikat na classic composer at pianist na si Ludwig van Beethoven.


9. Robin Padilla



Siya ay kilala bilang “Bad Boy” ng Philippine Cinema.Ang nagbigay ng kaniyang pangalan ay ang kanyang ina at ang pari na nagbautismo sa kaniya.Pinangalanan siyang Robinhood Ferdinand Cariño Padilla.


10. Dennis Trillo



Ang Kapuso acrtor na si Dennis Trillo ay kilala sa totoong buhay sa pangalan na Abelardo Dennis Florencio Trillo Ho.Siya ay kilala bilang isang actor,recording artist, at modelo.Siya ay isang Pinoy na may lahing Chinese.

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo