10 Pagkain na Kailangan niyong Malaman na Mabuti para sa Inyong Atay






Ang atay ay isang mahalagang organ sa katawan na responsable sa ilang mga paggana kabilang na ang pagtunaw sa ilang mga pagkain, pag-sasala sa dugo na dumadaloy sa sikmura at bituka, at pagbabawas sa lason o masasamang epekto ng gamot at alak sa katawan. 

Subalit kung magpapabaya sa mga pagkaing kakainin, pag-inom ng alak at mga gamot, ang atay ay maaaring manghina, masira at pumalya sa paggana. Tinatawag na liver cirrhosis ang ganitong kondisyon. Sa ganitong pagkakataon, mas madaling kapitan ng mga sak!t ang atay at maaaring tuluyan na itong masira at mangailangan ng bago at masiglang atay sa pamamagitan ng liver transplant. Upang maiwasan ang sitwasyong ito, kinakailangan ang pagiging maagap lalo na sa mga pagkaing kinakain. 





Narito ang ilan sa mga pagkain na mabuti sa para sa atay:

1. Bawang

Ang matapang at kilalang amoy ng bawang ay mayaman sa ilang mga kemikal gaya ng sulfur. Ang kemikal na ito ay makatutulong sa detoxification ng atay mula sa mga nakalalasong kemikal gaya ng mercury, at mga substansya mula sa mga artipisyal na pampalasang dinaragdag sa pagkain. 

2. Repolyo

Ang gulay na repolyo at iba pang madahong gulay na kahalintulad nito (letsugas, kale, broccoli) ay mayaman din sa sulfur. Nakatutulong din ang mga ito sa paglilinis ng atay mula sa mga nakasasamang kemikal at substansya, at pati na sa mga nakakasirang free radicals. 

3. Mansanas

Ang mansanas na mayaman sa pectin ay nakatutulong naman sa paglilinis sa daluyan ng pagkain mula sa masasamang substansya at kemikal. Dahil dito, nababawasan ang trabahong ginagampanan ng atay at mas naiiwasan ang mabilis na pagkasira nito.

4. Cauliflower



Gaya rin ng repolyo, ang cauliflower ay may taglay din na kemikal at enzymes na nakatutulong sa mabilis at epektibong proseo ng detoxification ng atay. Mas madaling naaalis ang nakasasamang carcinogen at free radicals na nagpapababa naman sa posibilidad ng pagkakasak!t ng kans3r.

5. Luyang Dilaw

Ang kemikal na curcumin na nakukuha sa luyang dilaw ay nakatutulong sa paghilom ng nasirang bahagi ng atay, bukod pa ito sa suportang binibigay sa proseso ng detoxification ng atay. 

6. Abukado

Ang mga sustansyang siksik sa laman ng abukado gaya ng oleic acid ay mabuti para sa atay. Ngunit bukod pa dito, sinasabing taglay din ng laman ng bunga ng abukado ang kemikal na glutathione na mahalaga rin sa proseso ng detoxification ng atay. 

7. Toge

Ang mga toge, pati na ang mga buto at mga mani, ay mayaman sa mga mahahalagang enzymes na aktibong tumutulong sa mas maayos na proseso ng paglilinis sa atay.

8. Karots

Ang mga flavonoids at beta-carotene na taglay ng karots ay mahalaga sa kabuuang paggana ng atay. 

9. Green tea

Ang inuming green tea ay mayaman sa mga sustansyang mahalaga sa maayos na paggana ng atay gaya ng substansyang catechins.

10. Olive oil

Ang mga nakabubuting mantika mula sa mga halaman gaya ng olive oil, hemp oil, at flax seed oil ay nakatutulong din paglilinis ng atay. Maaaring sumama sa mga langis na ito ang ilang nakalalasong kemikal at substansya na nasala ng atay.


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa