5 Sikat na Celebrities na May Flawless Skin!







Siguro ay hinangad na rin ng iba maging katulad ng kanilang paborito o sinusuportahan. Sa kanilang walang pimple na mukha at makinis na balat na bigla ka nalang mapapasabi “how to be you?” Madalas nating makita ang mga celebrities na nakamake-up, yung iba ay para itago ang kanilang mga flaw at mas lalong tumaas ang confidence. 

Mayroon naming ibang kahit hindi na lagyan ng make-up ay salamat sa genes, mabisang skincare at malusog na pamumuhay. 

Ito ang ilang celebrities na may flawless skin: 

1. Marian Rivera




Sa edad na 33 mukha parang hindi tumatanda si Marian Rivera dahil sa kanyang baby soft, smooth skin. Nakakacontribute rin sa maganda niyang kutis ang kanyang genes dahil may lahi siyang espanyol ngunit ayon sa superstar mismo, ang pagpapanatiling maganda ang kanyang balat ay talagang nangangailangan ng maraming pagsisikap.



2. Coleen Garcia



Kabilang sa maraming may magandang kutis na kababaihan na hinahangaan ay si Coleen Garcia. Kahit walang make-up ay napakaflawless pa rin niya. Sa kanyang glowing skin tila nagmumukha pa rin siyang bata at malusog araw-araw. Ano ang kanyang sikreto? Ang iba’t ibang epektibong skincare na kanyang ginagamit.


3. Kim Chiu



Maraming nakakaalam na may lahing Chinese si Kim at dahil rin doon maganda ang kanyang kutis ngunit paano na iyon napapanatili Sa kabila ng kanyang busy schedule? Hindi niya pinapabayan ang kanyang kutis at binibigyan ito ng nararapat na skincare. Isa sa kanyang ginagawa ay ang paglagay ng ice bag sa kanyang mukha para maiwasan ang pimple breakouts. 



4. Sunshine Cruz


Sa kanyang flawless na balat, at sa edad na 40 taong gulang kutis bata pa rin si Sunshine Cruz. Hindi mo aakalaing tatlo na ang kanyang anak. Ang kanyang sikreto? Healthy lifestyle tulad ng pagkain ng gulay at prutas, excersise at balanced diet.


5. KC Concepcion




Ang magandang genes nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay kitang kita kay KC. Siya ay pinagpala sa pagkakaroon ng magandang balat. Kahit nakikita siyang nakasuot ng make up halos lahat ng oras, flawless pa rin siya kahit walang make up. Isa sa kanyang sikreto ay coconut oil at Korean products

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa