Aktor na si John Manalo, Sabay na Nakamit ang Pangarap at Nakapagtapos ng Kolehiyo Kasama ang Napakatalinong Girlfriend





Si John Manalo ay kilala sa kanyang papel sa unang batch ng Goin’ Bulilit na sinusundan ng napakaraming sumusuporta sa bawat serye na ilalabas sa telebisyon.

Sa pagiging isang batang actor na napakaraming award, ngayon si John ay nangangarap bilang maging isang filmmaker at bilang isang professional photographer balang araw. Ayon naman sa kanyang mga followers, talagang makikita ang kanyang husay sa photography base sa mga Instagram posts ng actor. 




Ngayon, nakagraduate na siya kolehiyo kasama ang kanyang girlfriend na si Erika Rabara na parehong nakapagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Kumuha ng kursong AB Communication Arts si John habang ang kanyang girlfriend naman ay nakapagtapos bilang isang Cum laude sa kursong BS in Medical Technology. 



Binanggit ni John sa kanyang isang Instagram post kung gaano siya kasaya para kay Erika at naglagay ito ng napaka-sweet na mensahe sa kanyang post.

Ayon kay John, noong nililigawan pa lang ng aktor si Erika, alam niya na ang unang priority niya ay ang kanyang pag-aaral muna. Dagdag pa ng aktor na, hindi sila ang kanyang priority dahil gusto niyang samahan si Erika na abutin ang kanyang mga pangarap na nais niyang makamit nang hindi nito binabago ang landas na hinaharap ng kanyang girlfriend.





Ibinahagi rin ng aktor na sa bawat iyak, puyat at dugo hanggang sa pagbabasa ng libro habang nagbibiyahe, naglalakad, kmakain, at habang nakangiti sa camera, si John daw mismo ang nakakita ng pagod at hirap na kanyang naranasaan habang nag-aaral. Na lagi siyang nandiyan para punasahan ang kanyang mga luha, balikat na sandalan pag kailangan niya, at huli ang walang pag sawang sabi ng “kaya mo yan, love.” 



At ang pinakahuli niyang sinabi ay tungkol sa pananampalataya nila na nakayanan dulot ng mga problema na dumating dahil ginitna nila ang diyos sa lahat ng bagay na ginawa nila at iniaalay nila ito sa kanya. 

Kahit marami ang nagsasabi na ang relasyon ay maaring makasira ng pag-aaral, hindi nagpatibag ang dalawa upang makamit ang kanilang love story at pangarap sa buhay. 



Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer