Alamin ang mga Benepisyong Makukuha sa Pagkain ng Kalabasa








Ang halaman ng kalabasa ay gumagapang (baging) at nagbubunga ng bilugan at may madilaw na laman. Ito ay pinakakilala dahil sa bunga nito na karaniwang gulay sa bansa. Namumulaklak ito ng dilaw at madaling tumubo sa maraming maiinit na lugar kabilang na ang Pilipinas.

Ang kalabasa ay isang uri ng malaking gulay na tumutubo sa isang baging; o isang malaking bunga ng gumagapang na halamang baging na may kulay na pinaghalong narangha at dilaw. Nasa saring Cucurbita ito at nasa pamilyang Cucurbitaceae. Maaaring tumukoy ito sa mga uri na Cucurbita pepo o Cucurbita mixta, o posible sa isang partikular na uri ng Cucurbita maxima o Cucurbita moschata.





Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kalabasa ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kem!kal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

⦁ Ang halaman ng kalabasa ay may taglay na carbohydrates, steroids, proteins at amino acids.
⦁ Ang bunga ay mayroong fat, pentosan, at protein. Mayroon pa itong Vitamin A, B.
⦁ Ang buto ay mayroong fixed oil at edestin. Mayroon din itong curcurbitin; carbohydrates, saponins, at flavonoids. Makukuhanan din ng zinc ang buto nito.
⦁ Ang mga tangkay at bulaklak ng kalabasa ay mayroon namang mga mineral na calcium, phosphorus at iron.

Ano ang mga sakit at kondisyon na maaring magamot ng kalabasa?



1. Pigsa

Ang laman ng bunga ng kalabasa ay ginagamit na pantapal sa mga pigsa sa balat.

2. Bulate sa tiyan

Ang imp3ksyon ng tapeworm sa bituka ay maaring magamot sa pagkain ng sariwang buto ng kalabasa.

3. Pamamaga at implamasyon

Kinakain din ang sariwang buto upang humupa ang pamamaga sa katawan.

4. Kagat ng alupihan

Ipinangtatapal sa kagat ng alupihan ang dinikdik na tangkay ng kalabasa. Dinudurog ito hanggang sa lumabas ang katas at saka ipapahid sa apektadong bahagi ng katawan.

5. Nanunuyong balat

Ipinangtatapal sa tuyong balat ang laman ng bunga ng kalabasa.

6. Pagtatae

Ang katas mula sa bulaklak ng kalabasa ay maaaring gamitin para maibsan ang nararanasang pagtatae.


Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'