Ang Pag-Inom ng Ampalaya Shake ay May Magandang Benepisyo Para sa Ating Kalusugan!









Ang ampalaya ay karaniwang gulay na nakikita sa hapag ng mga Pilipino.Kilalang-kilala ito dahil sa kulubot at mapait nitong bunga. Ang dahon at bunga nito ay ginagamit na sangkap sa ilang mga lutuin. Tumutubo ito sa maraming lugar sa Pilipinas at sa mga bansang nasa rehiyong tropiko.Ang mapait na lasa nito ay tinutukoy na siyang may taglay na gamot o medicinal value,dahil mayron itong momorcidin.


Ang gulay na ito ay may flavanoids at alkaloids na nakatutulong sa Pancreas na mag- produce ng insulin na nakakatulong sa pag-kontrol ng blood sugar sa mga may diabetes. Ang ampalaya ay sagana rin sa vitamin A, B at C, iron, folic acid, phosphorous at calcium, at mayaman sa antioxidants na lumalaban sa mga free radicals (metabolic by-products, o waste) na nakasisira sa ating kalusugan.


Narito ang 5 halimbawa ng benepisyong makukuha sa ampalaya:


1. Diabetes



Ang katas na nagmula sa dahon at bunga ng ampalaya ay may malaking tulong  sa pagsasaayos ng lebel ng asukal sa ating katawan lalo na sa mga may sakit na diabetes.At  ang bunga rin ay tumutulong sa pagpapalakas ng produksyon ng insulin sa pancreas o lapay.

2. Epektibong Antiviral


Mabisang panlaban sa impeksiyon, dahil nagpapatibay ito ng immune system para labanan ang mga impeksiyon, gamit ang katas ng dahon at buto ng bunga nito. Para sakit sa balat, paso o sunog sa balat, idampi ang binanliang dahon sa apektadong bahagi ng katawan o balat. Ayon sa isang pag-aaral na nagsasabing may kakayahang pumigil sa Hepatitis B ang ampalaya.

3. Common cold o sipon, ubo at lagnat



Napipigil rin nito at nagagamot kaagad ang inflammations sa respiratory system, Ang pagkain at paginom ng katas nito ay nakakapaigil sa anumang respiratory disorders. Para sa ubo, lagnat, pigain ang dahon ng ampalaya para magkakatas, saka inumin ang juice o katas nito, isang kutsara sa bawat araw.

4. Para din sa gastrointestinal problems

Ang ampalaya ay nakagagamot sa bulate, diarrhea, at mga sakit o problema sa tiyan at panunaw. Ang buto at dahon ng ampalaya ay kinakatas at iniinom araw-araw (isang kutsara hanggang tatlo sa bawat araw lamang). Ampalaya juice o katas ng dahon ng amplaya, at dinikdik na buto ng bunga din ang mabisang panggamot sa bulate sa tiyan o anumang parasites. Uminom ng 1 kutsara tatlong beses sa isang araw para gamutin ang diarrhea, dysentery, at chronic colitis.


5. Pananakit sa katawan

 Ang pag-inom sa katas ng dahon ampalaya ay sinasabing may epektong analgesic o nakapagpapawala ng pananakit sa katawan.

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo