Apat na Tips Kung Paano Mo Malalaman na Seryoso Sayo ang Partner Mo







Madalas na ngayon ang mga nanloloko ng mga karelasyon dahil na sa wala silang takot na makasakit ng ibang tao. Kadalasan ang mga babae ay madalas iwanan at ipagpalit sa iba dahil hindi sineryoso ng kanilang partner ang kanilang relasyon. 

Maraming paraan para malaman mo na ang taong kasama mo ngayon ay seryoso sayo. Ibibigay namin ang ilang tips upang makita mo kung ano nga ba talaga ang gusto ng partner mo mula sayo. 

Narito ang ilang tips at paraan para malaman mo na ikaw ay sineseryosong tunay ng iyong iniibig:

1. Inaalagaan ka

Kung madalas ka niyang alagaan sa iba't ibang paraan gaya ng kung ikaw ay may sakit o kailangan ng tulong, masasabi natin na ang iyong iniibig ay seryoso sayo. Hindi lahat ng magkarelasyon ay may sapat na love at care sa isa't isa. Kung ang iyong partner ay masyadong ma-aalalahanin para sayo, ibig sabihin nito ay importante ka sa buhay niya at hindi niya hahayaan na ikaw ay mapabaya. 





2. Madalas niyang isipin ang future niyo

Ang pagkakaroon ng plano para sa future ng dalawang magkasintahan ay isang healthy na paraan para malaman mo na seryoso siya para sayo. Ang pagiisip at ng future kasama ang iyong partner ay isang mahalagang bagay na dapat pagusapan ng magkasintahan upang mas mapatibay ang kanilang relasyon. 



3. Ipinakilala ka niya sa kaniyang pamilya at kaibigan

Bihira ang mga iba na ipakilala ang kanilang ka-partner sa kanilang pamilya. Kung kayo ay nasa stage na ng ipinakilala ka na sa pamilya at kaibigan, ang ibig sabihin nito ay seryoso siya sayo. Gusto niyang makilala mo ang mga taong malapit sa kanyang buhay at upang maparamdamn niya sayo na tanggap nila ng buong buo.





4. Pagshare ng past o pagkwento ng kanyang sarili sayo

Healthy para sa isang relasyon ang pag-open up sa isa't isa dahil ito ay nakakapagpalakas ng bond ng magkasintahan. Kung madalas siyang nagsshare ng kanyang sarili o past experiences sayo, ibig sabihin nito ay mahalaga ka sakanya dahil muli niyang binuksan ang kanyang nakaraan upang mas magkaintindihan kayo ng lubos.


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya