Bakit Kailangan Mong Mag-Zumba? Ito pala ang Magandang Benepisyo Nito!





Sa panahon ngayon nauuso ang zumba, mapabata, dalaga,binata o matanda ay nahihilig rito. Ang zumba ay isang masaya at makabagong paraan ng pag-eehersisyo. Kilala at ginagamit na ng marami ito sa pagpapanatili ng magandang hubog ng kanilang katawan. Bukod sa simple at madaling sundan ang sayaw ng zumba, hindi rin ito mabigat sa bulsa, kaya naman kuhang-kuha nito ang kiliti ng madla.

Ang masayang ehersisyong ito ay may mabuting dulot o epekto sa kalusugan. Bukod sa nakatutulong ito sa pagpapayat at pagpapaganda sa hubog ng katawan, may ilang pang mabubuting dulot ang zumba sa ating kalusugan.

Narito ang mga halimbawa ng benepisyo ng zumba:


1. Nakakabawas ng timbang

Ang pagsasayaw ay nakakatulong sa ating katawan At ang mga simpleng sayaw sa zumba ay epektibong paraan ng pagpapapawis, kung kaya’t nakatutulong ito sa pagbabawas ng timbang. Sa isang oras ng pagsasayaw sa zumba ay maaaring makasunog ng taba sa katawan.



2. Nakakapagpaganda ng hubog ng katawan

Kasunod ng kabawasan sa mga taba ng ating katawan, unti-unting pagganda naman ng hugis at hubog ng katawan. Sa pamamagitan nito maaaring ma-develop ang mga kalamnan sa hita, balikat, at tiyan. Sa tulong ng zumba ay maaaring makamit ang maliit na baywang na ninanais ng maraming kababaihan at ang matitikas na abs na nais naman ng kalalakihan.






3. Nakakabawas sa stress

Ang masayang tugtugin at aliw na hatid ng pagsasayaw ay epektibo ding nakakabawas sa stress na dinadala ng isang tao. Dapat alalahanin na ang stress ay konektado sa maraming karamdaman na nararanasan ng tao.Kaya’t kung nais mong maibsan ang stress na dinaranas ay subukan na ang zumba.

4. Nakakapagpabuti ng koordinasyon ng katawan

Ang koordinasyon ng katawan ay isang mahalagang abilidad na na kinakailangan ng isang tao sa pang-araw-araw na trabaho lalo na sa panahon ng emergency.Sa zumba, ang paggalaw ng katawan kasunod ng mga galaw ng lider na nagpapasimula ng sayaw ay nakatutulong ito sa pagpapabuti ng koordinasyon ng ating katawan. 

5. Mahusay na paraan ng pakikisalamuha sa ibang tao

Ang pakikisalamuha sa ibang tao ay isang mahalagang aspeto sa buhay ng tao. Dahil dito, mas yumayaman ang kaalaman, kultura at pananaw ng isang indibidwal. Ang pagsasayaw sa zumba ay isa sa isang mabuting paraan ng pakikisalamuha sa iba.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa