Benepisyong Maaring Makuha sa Pagkain ng Basil








Ang basil ay kilalang dahong pampalasa (herbs) na ginagamit sa pagluluto dahil sa angking amoy nito na mabango. Ang maliit na halamang ito ay madaling tumutubo sa iba’t ibang lugar sa bansa. Madali ring makakahanap at makabibili nito sa mga pamilihan na maaaring sariwa pa o pinatuyo at dinurog na.

Ang basil ay kilala din sa tawag na balanoy o Ocimum basilicum. Ito ay isang halamang yerbang na kabilang sa pamilya ng mga menta o Lamiaceae na ginagamit sa pagluluto. Kilala rin ito bilang matamis na balanoy.




Ang iba’t ibang bahagi ng halamang basil ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

1. Ang pinatuyong dahon ay makukuhanan ng essential oil, na may linalool at methyclaviol.
2. Ang bulaklak ay mayroon namang volatile oil
3. Bukod sa mga nabanggit mayroon pang caffeic acid, p-coumaric acid, p-cymene, limonene, 1,8-cineole, methyl cinnamate, myrcene, quercetin, rutin, tryptophan, safrole sa dahon nito.

Ano ang mga sak!t na maaring magamot ng balanoy?

1. Ubo na may makapit na plema

Mabisa sa ubo ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng balanoy. Makatutulong ito sa palambutin ang makapit na plema upang mailabas.

2. Pagsusuka

Ang pinaglagaan ng dahon ng balanoy ay mabisa rin sa pagpapahinto ng tuloy-tuloy na pagsusuka.

3. Kabag

Maaaring maibsan ang pananakit ng tiyan na dulot ng kabag sa tulong ng pag-inom ng pinakuluang dahon ng basil.

4. Pananakit ng tenga

Maaaring ipatak sa loob ng tenga ang katas ng dahon ng balanoy upang maibsan ang pananakit.

5. Rayuma

Ipinanghuhugas sa bahagi ng katawan na dumaranas ng pananakit dulot ng rayuma ang pinaglagaan ng dahon ng basil.

6. Buni

Ang katas ng dinikdik na dahon ay ipinapahid sa apektadong balat.

7. Pananakit ng ngipin

Ang bulak na binasa sa katas ng dahon ng basil ay maaaring isiksik sa bulok na ngipin upang mawasan ang pananakit.

8. Pagtatae

Maaaring inumin ang pinaglagaan ng buto ng balanoy upang mapahinto ang pagdudumi.

9. Iritasyon sa mata

Upang maibsan ang pakiramdam, maaaring ipatak sa mata ang pinaglagaan ng buto ng balanoy.

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo