Benepisyong Maaring Makukuha sa Pag-inom ng Tsaa







Ang pag-inom sa tsaa o ang natural na pinagbabaran (infusion) ng pinatuyong dahon ng tsa (Camellia sinensis) ay bahagi na ng kultura ng marami sa mundo magmula pa sa sinaunang panahon. Ang matapang na lasa at mabangong amoy ng inuming tsaa ay paborito at hinahanap-hanap ng marami, maging ng ilang mga Pilipino.

Ang pagkahumaling ng marami sa pag-inom ng tsaa ang siyang nakahimok sa mga eksperto na magsagawa ng pag-aaral ukol dito. At lumalabas na ang regular na pag-inom ng tsaa ay may benepisyong hatid para sa ating kalusugan.



Ito ang mga ilan sa benepisyong maaring makuha natin sa pag-inom ng tsaa:

1. Nakapagbibigay ng malakas na ant!-oxidant

Ang tsaa ay isa sa mga pagkain o inumin na makukuhanan ng mahalagang ant!-oxidant. Alam naman natin na ang ant!-oxidant ang nagbibigay sa katawan ng proteksyon laban sa nakakasamang free radicals na siyang nagpapatanda sa pisikal na anyo ng katawan. 

2. Mas mababang posibilidad ng stroke at sak!t sa puso

Ang regular na pag-inom ng tsaa ay may epektong nakakapagpababa sa posibilidad ng pagkakaroon ng stroke at sak!t sa puso. Ito’y sapagkat natutulungan ng tsaa na maalis ang mga pagbabara sa ugat na dulot ng mataas na lebel ng cholesterol.

3. Nagbibigay proteksyon sa utak

Natutulungan din ng malakas na ant!-oxidant sa tsaa na maproteksyonan ang mga sensitibong nerve cells sa utak. Pinoprotektahan nito ang mga nerve cells mula sa stress. 

4. Mas matibay na buto

Ayon pa rin sa ilang mga pag-aaral ng mga eksperto, ang 10 taon o higit pang regular na pag-inom ng tsaa ay may mabuting epekto sa buto. Lumalabas na mas matibay ang buto ng mga taong matagal nang umiinom ng tsaa.

5. Mas malusog na baga

Pinoprotektahan din ng ant!-o]oxidant sa tsaa ang baga mula naman sa masasamang epekto ng paninigarilyo. Dahil dito, mas malayo sa pagkakaroon ng mga sak!t na may koneksyon sa paninigarilyo ang taong regular na umiinom ng tsaa. 

6. Pag-iwas sa sobrang timbang o obesity

Ang karagdagang timbang mula sa sobrang pagkain ay maaaring maharang kung regular na umiinom ng tsaa. Kaya naman, mas maliit din ang tsansa na magkaroon ng sobrang timbang pati na ang mga sak!t na kaakibat ng kondisyong ito.

7. Nakakapagpasigla

Ang nakakagising na caffeine na pinakakilalang nakukuha mula sa kape ay maaaring makuha rin sa iniinom na tsaa. Ngunit ang caffeine na makukuha dito ay hindi sinlakas ng nasa kape kung kaya’t mas kontrolado ang epekto ang maaring makuha mula dito.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa