Benepisyong Makukuha sa Pag-kain at Pag-inom Ng Kalamansi








Ang kalamansi ay isang maliit na puno na may maliliit na mga dahon, puti at mahalimuyak na bulaklak. Ang berde at bilog nitong bunga ay karaniwan at kilalang-kilalang sangkap at pampalasa sa maraming pagkain, sawsawan, at inumin. Ito ay orhinal na nagmula sa Pilipinas.



Ano ang mga sustansya at nutrients na maaring makuha sa Kalamansi?



Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kalamansi ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng nutrients at sustansya na may benepisyo sa kalusugan:

⦁ Ang balat ng kalamansi ay may taglay na aldehydes, sesquiterpenes, beta-pinene, linalool, linelyl acetate, tannin, glucoside, at cyanogenetic substances.
⦁ Mayaman din sa Vitamin C ang katas ng bunga nito

Ano ang mga sak!t na maaring magamot ng Kalamansi?

1. Tigyawat

Hiwain lang ang kalamansi at direktang ipahid sa balat na apektado ng tigyawat o pimple. Makatutulong ang matapang na katas ng kalamansi sa pagpuksa ng mikrobyong nagdudulot ng acne. 

2. Pangingitim ng balat

Ang pangingitim naman sa balat ay maaari ding masolusyonan ng regular na pagpapahid ng hiniwang kalamansi bago matulog. Ito ay may proven effect na nakakapagpapaganda at nakakapagpaputi ng ating dark spots sa balat.

3. Ubo

Dapat inumin ang katas ng kalamansi na mayaman sa vitamin C upang matulungan ang sarili laban sa ubo. Magpiga lamang ng dalawang kalamansi sa isang basong tubig at lagyan ito ng dalawang kutsarang honey. Inumin ito sa gabi para mawala ang ubo.

4. Sipon

Kung kayo ay madalas na sinisipon, ang pag-inom ng kalamansi ay makakatulong upang ilabas nito lahat ng bakterya at virus sa ating katawan. 

5. Sore throat



Matutulungan din ng katas ng kalamansi na guminhawa ang pakiramdam ng taong may sore throat. Ihalo ang kalamansi sa isang water bottle at ito ang inumin sa buong araw. 

6. Altapresyon

Para sa mga may altapresyon, nakakatulong ang kalamansi para mapababa nito ang presyon at mapanatili ang pagiging normal na taas at baba nito. 

7. Para sa Bagong panganak

Ang pinaglagaan ng ugat ng kalamansi ay maaaring ipanghugas sa inang bagong kakapanganak pa lamang. Ito ay kadalasan ginagawa noong panahon ng ating mga lola kaya naman ito ay kilalang kilala na sa benepisyo nito para sa mga bagong panganak.



Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa