Benepisyong Makukuha sa PagKain ng Okra






Ang okra ay isang kilalang gulay na ipinangsasangkap sa ilang mga lutuin. Ang bunga nito na siyang ginagamit ay pahaba, patulis at puno ng bilog-bilog na mga buto at may malagkit at madulas na nektar. Ang halamang ito ay may katamtamang taas, may bulaklak na madilaw at karaniwang itninatanim sa mga taniman para sa bunga na ginugulay.

Ano ang mga sustansya at nutrients at vitamins na maaring makuha sa okra?





Ang iba’t ibang bahagi ng halamang okra ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

⦁ Ang bunga ng okra ay mayroong pectin, mucilage, fat, tubig, at ash. Mayroon pa protina, lipid, carbohydrate, dietary fiber, sugars, sucrose, glucose, fructose at starch. May mineral din ito na calcium, iron, magnesium, phosphorus, potassium, sodium, zinc, copper, manganese, selenium.

⦁ Ang bunga ay may taglay din na bitamina gaya ng vitamin C, thiamin, riboflavin, niacin, pantothenic acid, folate, choline, ß-carotene, vitamin A, vitamin E, at vitamin K.

⦁ Ang mga buto ay makukuhanan naman ng palmitic acid, stearic acid, arachidic acid, oleic acid, at linolic acid. May taglay din ito na vitamin C.

Ano ang mga sak!t at kondisyon na maaring magamot ng Okra?



1. Sore throat

Ginagamit para sa kondisyon ng sore throat ang malapot na katas ng bunga ng okra. Makatutulong ito na mabawasan ang hindi kaaya-ayang pakiramdam sa lalamunan.

2. Sugat

Matutulungan naman na mapabilis ang paghilom ng sugat sa pamamagitan ng pagtatapal ng dinikdik na ugat at dahon.

3. Lagnat

Ang murang bunga ng okra ay makatutulong naman sa pagpapababa ng mataas na lagnat. Ito’y pinapakain sa may sak!t. Maaari namang inumin ang pinaglagaan ng ugat para sa mas mabilis na epekto nito sa katawan.

4. Varicose vein

Ang mga nakalitaw na ugat ay matutulungang maalis ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng okra.

5. Pagsusugat sa balat

Ang kondisyon naman ng pagsusugat sa balat ay matutulugan din ng pagpapahid ng dinikdik na buto ng okra na inihalo sa gatas sa apektadong balat.

6. Pagtatae

Nakakatulong ang pagkain ng okra upang matanggal ang pagtatae dahil ang gulay na ito ay punong puno ng fiber na kayang magpatigas ng dumi.


7. Rayuma

Kung kayo ay mayroong rayuma, mas mainam na kumain kayo ng okra dahil ito ay nakakatulong na makapagpawala ng karamdam nito.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa