Bianca Gonzales, Umani ng Iba't Ibang Komento Tungkol sa Kanyang Pag-Bubuntis Ulit Agad!






Marami sa mga pinay celebrities ang mga magkakaanak ngayong taon na ito! At ngayon ay nadagdag pa sa mahabang listahan si Bianca Gonzales-Intal! Ang TV host at ang kanyang basketball star na asawa ay nagaabang para sa pangalawa nilang anak! Inanunsyo mismo ng aktres ang balita sa kanyang Instagram account.

Sa karagdagan, ang kanilang panganay na anak na babae na si Lucia Intal ay ang bida sap ag aanunsyo ng pagbubuntis ng kanyang ina. Ang larawan na ibinahagi ni Bianca ay ang pagtawag niya sa kanyang anak na “Ate Lucia” at kasunod nito ang mga larawan kung saan hinahalikan ni Lucia ang tiyan ng kanyang ina. At mayroon ding larawan na nagpapakita na nagdadasal si Lucia para sa kanyang kapatid.




Ang asawa naman ni Bianca Gonzales-Intal at basketball star na si JC Intal ay nagsabing sabik din siya sa isang yugto nanaman ng kanilang buhay. Ibinahagi din ng actor na ang kanyang anak na si Lucia ay magiging ate na. Maaalala din natin kung gaano sinabi ni Bianca noong nakaraang taon na ang pagiging nanay ay isa sa mga pinakamahirap na ginagampanan niya sa buhay niya. Ikwinento din niya dati sa isang interview kasama ang Smart Parenting kung gaano kapagod ngunit challenging at masaya ang unang tatlong buwan bilang isang ina.

 “Whenever I see posts it’s always the happy, beautiful, smiling, ‘this is the best thing ever’ side of motherhood. Pero when I experienced it the first three months — di ka naliligo, di ka kumakain on time. There are days that you cry. Sasabayan mo nalang yung baby mo kasi ‘di mo na alam kung bakit siya umiiyak. So I try to be more realistic about my posts kasi may culture shock, medyo may trauma talaga. I didn’t know what to expect,” dagdag pa ni Bianca.

Ngunit, lagi niyang ipinagsasabi na lahat ng bagay na ito ay worth it panigurado.

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'