How to Make Kinilaw na Talaba: Limang Benepisyo sa Pagkain Nito!









Isang sikat din na pagkaing pandagat o seafood ang talaba o oyster.Tinatago ng matigas na shell nito ang kanyang karne na napakasarap.Hitik ito sa bitamina at maraming makukuhang benepisyo para sa malusog na kalusugan.Isa rin ito sa mga biyaya ng kalikasan para sa mga tao.


Narito ang mga maaring makuhang benepisyo sa Talaba o Oyster:

1. Nakakatulong Para sa mga may Anemia

Karaniwan sa mga nagkakaroon ng anemia ay mga babae sa kadahilanang tuwing nag kakaroon ng menstrual period ay nawawalan o nagkukulangan ng dugo. Kaya’t mainam na kumain ng talaba tuwing may kabuwanang dalaw, makakatulong ito sa pagsasaayos ng dugo sa ating katawan at nagpapalakas.

2. Magandang pagtakbo ng utak at nervous system

Maganda ang pagkain ng talaba dahil nakakatulong ito sa magandang pagtakbo ng ating utak at nervous system dahil nagtataglay ito ng vitamin B na kailangan ng ating katawan.

3. Immunity system

Ang pagkain ng talaba ay isa ring mabisang panlaban sa mga impeksyon at sakit. Pinapalakas nito ang immune system para malabanan ang mga pamamaga at iba pang kondisyon tulad na lang ng pagkakaroon ng lagnat.
















4. Para sa puso

Ang pagkain ng talaba ay nakakabuti para sa puso. Nagpapalakas ito ng produksyon at naisasaayos ang wastong cholesterol sa katawan upang maiwasan ang mga sakit sa puso.

5. Nakababawas ng timbnang

Ang sobrang pagkain ay karaniwang nagiging resulta ng paglaki o pagtaas ng bigat ng katawan. Kaya’t mainam na kumain ng talaba dahil ito ay mayaman sa protina na madaling nakabubusog sa tao at maiiwasan ang pagkain ng marami na siyang makakatulong upang mabawasan ang bigat ng timbang.




Paano lutuin ang kinilaw na Talaba:


Ingredients:


Fresh Talaba o oysters

sibuyas

bawang

luya

black pepper

salt

lemon (optional)

spring onion


Direction:


1. Ilagay ang sibuyas, bawang, black pepper,salt at kaunting chili sa isang medium bowl. Haluin ito. 

2. Idagdag ang lemon juice at spring onion. Timplahan ito at tikman ang tamang lasa.

3. Maglagay ng kaunting mxture ito sa ibabaw ng talaba 

4. Serve and enjoy!

Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Paano Maiiwasan Ang Sobrang Pagpapawis?

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!