Ibinahagi ng ilang Netizens Kung may Halaga Pa Ba ang Inanay na Pera Mula sa mga Alkansya! Narito kung ano ang Dapat Ninyong Gawin!





Minsan may naririnig tayo madalas na kasabihang “Pera na, naging bato pa…” o sa isang kasabihan sa el filibusterismo, “isipin mo nalang kinain ng buwaya” tulad ng ganoong sitwasyon ano ang naiisip mong gagawin kung ikaw naman ang sasabihan noon? Sa inaasahan mong may makuha kang pera dahil pinaghirapan mo, bigla nalang ito maglalaho ng parang bato.


Mula sa isang post sa Facebook ng walwal ay dumako tayo sa kuwento nina Jem Lemuel Ramos at Jennilyn Badilde, ang mga netizens na naipakita sa award-winning informative magazine show na pinamagatang Kapuso Mo, Jessica Soho o KMJS tuwing Linggo ng gabi sa GMA Kapuso Network.


Maganda itong babala para sa mga taong mahilig mag-ipon o gustong mag-alkansya ngunit iniisip kung saan ang tamang lugar paglagyan nito.






Sa kwento ni Jem, mula sa tubo ng kanilang negosyong magkapatid gusto niya itong ipunin at gamiting pang-franchise ang naipon pero imbis na sa bangko niya ito ilagay ay sa kanyang pitaka nalang. Ang kanyang pitaka ay nakatago sa ilalim ng kanyang cabinet na gawa sa kahoy. Pagkatapos ng isang buwan na pagiipon doon niya palang nasilip ang pera at ang tumambad sa kanya ang mga ipon na punit punit dahil sa mga anay.




Nang sinubukan niyang pumunta sa bangko dala dala ang sirang pera para mapapalit ito pero tinanggihan siya ng mga tao doon dahil gutay-gutay na raw ang mga bills. Dahil dito nanghinayang si Jem at natutunang huwag ilagay ang pera kung saan-saan at pahalagahan pa ito.




Sa parehong sitwasyon, si Jennilyn Badilde naman na isang Senior High School student ay nag-ipon sa kanyang alkansyang kahoy para sa pambili ng damit sa kanilang ball

Halos araw-araw sa apat na buwan daw siyang naghuhulog ng 50- 100 pesos sa alkansyang kawayan galing sa mga natitirang baon at kita sa online selling. Ang kanyang alkansyang kawayan ay nakalagay sa cabinet at tinabunan ng mga damit.

Nang bubuksan na niya ang alkansya para magpatahi nang damit nasaktan ang kanyang puso dahil ang kanyang perang naipon ay sira-sira na. 







Sinubukan rin niyang magpapalit ng pera sa dalawang bangkong napuntahan ngunit ito’y tinanggihan. Sa ikatlong subok ay napagbigyan ito subalit ayon sa banko, kinakailangang nababasa pa rin ang serial numbers na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng bill sa gawing ibaba at kanang bahagi sa gawing itaas.





Sabi ng mga financial expert, Kung mag-iipon ng pera kailangang tiyakin na nasa maayos na lagayan ang mga ito para hindi ito masira o mawala.


Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang mga perang napunit o nasira ay puwede pang gamitin o papalitan basta’t nasa 60% pa ang pagkabuo nito at nakikita pa ang mga pirma ng Pangulo ng Pilipinas at tagapangasiwa ng BSP.










Comments

Post a comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa