Ibinahagi ni Jacklyn Jose ang Totoong Dahilan Kung Bakit Hindi na Aktibo ang Anak na si Andi Eigenmann sa Showbiz Industry







Si Andi Eigenmann ay ang anak ng beteranong actress na si Jacklyn Jose at Mark Gil. May anak silang dalawa ng actor at anak ng dating presidenteng si Joseh ‘Erap’ Estrada na si Jake Ejercito na nagngangalang Ellie.

Kahit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan noon, naayos naman na ito nila Jacklyn Jose, Andi Eigenmann, Ellie at Jake Ejercito. 



Malapit naman si Ellie sa parehong ama at ina. Ayon sa beteranong actress ang mahalaga ay may ugnayan pa rin sila ng kanyang anak na si Andi, Jake at kanyang apo na Ellie. 

Matagal tagal na rin ng huling lumabas sa telebisyon ang actress na si Andi at maraming tagahanga niya ang naniniwalang isang rason ang anak niya kaya hindi na muna siya nagpapakita sa showbiz. Ayon sa balita, Si Andi ay nakatira sa isang probinsya malapit sa beach. Mahilig umano itong magsurfing tulad ng kanyang kasintahan na si Emilio Arambulo. 






Ayon sa kanyang ina, si Andi ay laging nasa beach at lagi nilang napaguusapan ang kanyang advocacy na gusto niyang maging bahagi ng pagtulong sa karagatan. “She’s always at the beach…She wants to be part of helping the ocean since she loves oceans,” sabi niya.





Sa kabilang banda, nilinaw ni Jaclyn Jose na gustong magtrabaho ni Andi at inaasahan niyang makatatanggap pa siya ng alok ng showbiz sa lalong madaling panahon. “She’s willing to work, of course she has to work. Every has to work. Tumanda na tayo hanggang ngayon, nagtatrabaho pa rin tayo,” dagdag pa ng ina.



 Nang tanungin si Jacklyn kung pabor ba ito sa pagiging surfer ng anak ang kanyang sagot ay.. “Basta mahal ni Andi, mahal ko. Ganun lang ang usapan.”







Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!