Inspiring Story: Isang Pari na Nagtitinda ng Isda para Makatulong sa Pagpapatayo ng Simbahan sa Basilan





Sa panahon ngayon idinadaan ang lahat ng makakaya para sa ikauunlad ng lahat. Isang pari ang nagsilbing inspirasyon sa nakararami ngayon dahil sa kanyang kawang gawa na mag sikap para maipatayo ang isang simbahan sa kanilang bayan. Ipinapakita niya na hindi lamang sila umaasa sa donasyon na kanilang kapwa tao kundi sa determinasyon at lakas ng loob kakayanin nila ito. 


Ang isang kwentong ito ay makakapagbago ng iyong paningin sa mga pari na hindi lamang sila nagbibigay ng sermon at tulong sa kapwa nilang kristiano dahil makikita rito na ipinapakita nila ang tunay na imahe ng ating Diyos na dapat nating tularan habang tayo ay tumatanda.






Hindi biro ang maglako ng isda araw-araw lalo, tuklasin ang isang kwento na ito na si Fr. Joel Silagpo na parish priest sa San Antonio de Padua sa Lamitan City,Basilan na umanonoong nag viral sa internet ang kanyang kwento ng inspirasyon noong nakaraang taon ng Marso. Nagtitinda siya ng isda para matapos na ang pagpapagawa ng kanilang simbahan para sa mag Katoliko na puno ng Muslim sa kanilang bayan.


Kinakailangan ng siyam na milyong piso para lamang maipagawa ang kanilang simbahan pero noong nakaraang taon lamang ng Marso ay ang simbahan ay may humigit kumulang na 100,000 na hawak na pera noon para maipatayo ang kanilang simbahan. Kailangan pa nila para ang pangarap niya para sa bayan ay magkatotoo na. Kahit umano ang mga tao ay nagtaas ng kilay ng malaman na nagtitinda ng isda ang pari hindi niya ito pinansin at nagpursige siya para magtinda ng isda araw-araw at sa wakas ang kanyang hirap ay nabayaran na.





Sa kinikitang per ani Fr.Joel Silagpo at mga nakolektang donasyon ang kanilang bagong simbahan ng San Antonio de Padua Parish Church ay nagawa na noong May 5 nang nakaraang taon. Sinabi ni Fr. Joel na nagpapasalamat siya sa Diyos sa pagtupad ng kanilang hiling na maipatayo ang kanilang simbahan. Ang newsline


 ay naging instrumento, hinidi siya makapaniwala na ang nakaraan niyang classmates sa elementary at high school ay tinatawagan siya para matulungan sa pagpapagawa ng simbahan. Sinabi rin niya na kung ang Diyos ay nagsasakripisyo para sa kanyang kapwa, ginagawa ko rin ang parte ko para sa ikauunlad ng aking bayan.








Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo