Jolina Magdangal, Kinabahan sa Resulta ng Ultrasound ng Kanyang Baby Dahil sa Sitwasyon na Ito!





“Magandang Buhay” host na si Jolina Magdangal ay ikinasal noong November 21 2011 sa kanyang musician-husband na si Mark Escueta. Ang kanyang unang anak ay pinanganak noong 2014 at November last year lang nang inihayag ni Jolina sa ‘Magandang Buhay’ na magkakaroon na sila ng pangalawang anak.


“Dinasal namin na magka-baby na pangalawa, tapos dinasal namin na yung gender ay sana babae at lahat ay ibinigay sa amin ng tamang oras, tamang timing,” sabi ni Jolina.





Sa kanyang pang 6 ½ months na pagbubuntis sinisiguro ni Jolina na malusog siya at ang kanyang anak na pinangalanan ng Vika Anaya. Ayon kay Jolina ang ibig sabihin ng Vika sa Indian ay “source of life,” habang ang Anaya naman ay isang Hebrew na pangalan na nangangahulugang “God answers.”




Kasama ang kanyang asawang si Mark Escueta at kanilang anak na si Pele, Ipinakita sa kanyang vlog na inupload noong Martes na nagpunta sila sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City para sa kanyang check-up.





Kinuhanan ng dugo ang actress ng tatlong beses para sa gestational diabetes, nagpa-ultrasound, at bumisita sa doctor para malaman ang kondisyon ng kanyang baby girl. 



Nagpost si Jolina sa kanyang instagram account ng isang litrato na nasa hospital at may caption na “Nagpaultrsound ako today, ok naman si Vika, medyo lagpas lang ng konti ang weight nya para sa age nya ngayon. Hirap din ng may gestational diabetes, kahit kontrolado mo na ang pagkain, di mo parin masabi yung effect sa baby. Medyo nababahala ako.😔”






Marami namang taga hanga niya ang nagpahatid ng kanilang dasal para makayanan ni Jolina ang nararanasan ngayon. Para sa kaalaman ng lahat ang Gestational diabetes ay isang kondisyon na kung saan ang isang babaeng walang diyabetis ay bumubuo ng high blood sugar levels sa panahon ng pagbubuntis.


Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan