Lalaki Nakatanggap ng Parangal Matapos Sagipin ang isang Bata na Muntik ng Mahulog sa Condo








Isang kagimbal gimbal na pangyayari ang nasaksikhan ng mga tao na naglalakad sa paligid ng Paris. Isang batang lalaki kasi ang muntikan ng mahulog sa balkunahe ng isang condo. Habang ang karamihan ng mga saksi ay natataranta dahil hindi alam ang gagawin, isang 22 year old na lalaki ang nagngangalang Mamoudou Gassama ang walang atubiling sinagip ang bata sa pamamagitang ng pagakyat sa building na kagaya na lamang ni Spiderman.

Sa loob ng trenta Segundo ay naabot ng lalaki ang bata. Tinawid at inakyat ng lalaki ang apat na palapag ng mga balkunahe bago niya nasagip ang bata. Makikita din sa mga kumalat na larawan at balita na mayroon din namang mga kapitbahay ang sumubok sagipin ang bata ngunit hindi nila ito magawa at tanging si Mamoudou lang ang nakasagip.





Dahil sa ginawa ni Gassama, maaring matupad na ang kanyang pangarap na manatili sa Paris. Ang Paris president na si Emmanuel Macron ay inanyayahan siya na bisitahin ang Elysee Palace at kasama si Mayor Anne Hidalgo na nangako na tutulungan nila si Gassama na mamuhay sa Paris.


Sa isang interview kay Mamou, sinabi niya na narinig at nagpanic nalang din siya ng makitang walang magawa ang mga ibang tao at dali daling umakyat para sagipin ang bata. Medyo nanginig siya ng masagip na niya ang bata na pati narin siya ay hindi na makatayo sa kinalalagyan.

Ayon sa mga nasagap na balita, maaring makasuhan ang ama ng bata dahil sa pagiwan nito magisa. Habang ang ina naman ng bata ay wala sa Paris noong mga panahon na iyon.



Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!