Limang Pinoy Showbiz Love Teams Na Naging Real-Life Couples







Narito ang 5 love teams ng tanyag na tao dahil ang kanilang onscreen romance ay nangyari sa totoong buhay:


1. Tom Rodriguez and Carla Abellana



Sa isang heavy-drama series na ‘My husband’s lover’ unang nagkatrabaho ang dalawa. Gumanap sila bilang mag-asawang Lally at Vincent, na ang relasyon ay nanganganib dahil sa ex-boyfriend ni Vincent na si Eric na ginanapan ni Dennis Trillo.

Pagkatapos , ang kanilang love team ay napasali sa listahan ng ‘most-sought love teams of all time.’ Nang sumunod na taon ng natapos ang seryeng ‘My Husband’s Lover,’ naging pares silang muli sa isang seryeng 'My Destiny'. Noong 2014, inamin ni Tom sa madla na nililigawan niya si Abellana at hindi nagtagal nang sinabi niya na si Abellana ang uri ng taong gusto niyang makasama habang buhay. 


2. Gerald Anderson and Kim Chiu




Ang KimErald ay hindi nagumpisa tulad ng ibang celebrity relationships. Ang kanilang relasyon ay nagsimula bago pa man sila sumikat. Una silang nagkakilala sa reality show na ‘Pinoy Big Brother. Nang ang kanilang pangalan ay nagsimulang mag-ingay sa industriya, gumanap na silang love team sa iba’t ibang pelikula at teleserye na naging phenomenal. 


Sa kasamaang palad, itinigil ng dalawa ang kanilang apat na taong relasyon dahil sa hindi sinabing rason. Ngunit ang love team na KimErald ay hindi pa nawala dahil kumakailan lang ay gumanap sila sa kanilang PrimeTime teleserye, ‘Ikaw Lang Ang Iibigin’. 



3. Erich Gonzales and Daniel Matsunaga


Una silang nagkatrabaho sa remake ng two wives ng pumasok sa eksena si Daniel Matzunaga noong 2014. Sinasabi umanong nagkikita ang dalawa ngunit patago. Inamin nilang may relasyon sila noong 2016 at inihayag ang pagsusuporta nila sa isa’t isa sa mga fans. Nagkaroon sila ng kanilang teleserye sa umaga na kung saan sila naman ang bida. Sa kasamaang palad naghiwalay ang dalawa noong Pebrero 2017 at ang dahilan ay hindi pa nabubunyag.


 4. James Reid and Nadine Lustre




Nagsimula sila sa showbiz noong 2014 ng pareho nilang gampanan ang movie adaptation ng isang sikat na wattpad story na pinamagatang ‘Diary Ng Panget’. Ang pelikula ay naging sikat sa masa na nagresulta sa paggawa nila ng ‘Talk Back and You’re Dead’ ilang buwan lamang pagkatapos ng paglabas ng kanilang unang pelikula. 


Mula noon tinagurian na silang ‘JaDine’, pinaikling James at Nadine. Naging real-life couple sila noong 2016 ng tinanong ni James si Nadine sa kanilang post-Valentine concert sa Araneta Coliseum. Pribado naman nilang ipinagdiwang ang kanilang 1st Anniversary noong Pebrero 2017. 



5. Dingdong Dantes and Marian Rivera



Isa sa pinakatanyag na couple sa showbiz industry at tinatawag na ‘Royal Couple of the Philippines’ na sina Dingdong at Marian ay talagang nagkatuluyan at nahanap ang happy ever after sa isa’t isa. Nagkaroon na sila ng maraming Teleserye at pelikula. Ang kanilang Love team ay unang gumanap sa Filipino adaptation ng ‘Marimar’ noong 2007. 

Ang sumunod na taon ay naging official na sila at kinasal noong 2014. Ang kanilang kasal ay kinilala bilang isa sa pinakamahal at pinaka-engrandeng kasalan sa showbiz industry. At ngayon, mayroon na silang napakagandang anak na nagmana ng kagandahan ng kanyang magulang.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse