Magbabarkada, Isinama ang larawan ng sumakabilang buhay nilang kaibigan sa kanilang Graduation








Isa ang pagkakaibigan na nabubuo sa buhay kolehiyo ang masasabing pinakamatalik na relasyon na magkakaron kayo sa inyong buhay. Kasabay ng pagtahak sa paghahanap ng inyong sarili at paglalakbay sa inyong sariling buhay ay magkakaron kayo ng mga kaibigan na aagapay sa inyo pang-habang buhay. Kaya naman masasabi natin talaga sa ating mga sarili na ang ating mga kaibigan sa kolehiyo ay tunay na parte na ng ating pamilya at buhay.

Isang twitter user na nagngangalang Ara Pineda ang nagbahagi ng larawan kasama ang kanyang mga kaibigan sa kanilang araw ng pagmamartsa. Kasama ng kanyang mga kaibigan ay matagumpay nilang natahak ang isang milestone sa kanilang buhay, ngunit hindi nila nakalimutan isama ang isa pa sa kanilang mga kaibigan upang makidalo sa okasyon.




Maraming mga netizens ang natuwa at naantig sa ginawa ni Ara at ng kanyang mga barkada ng dalhin nila ang larawan ng kanilang kaibigan na sumakabilang buhay na. Hindi nila gustong iwanan ang kanilang kaibigan na si Arman John Marcelo kaya naman isinama ito sa kanilang mga group picture bilang pagtupad sa kanilang mga pangako sa isa’t isa. 

Ang viral twitter post ay may caption na: “Bro, graduate na tayoooo! Woooh!”. Habang sila ay nasa entablado ay hawak hawak nila ang larawan ng kanilang kaibigan. At para kumpletuhin ang kanilang squad picture, ang magbabarkada ay pumunta pa sa libingan ni Marcelo para makasama ang kanyang pangalan na nakaukit sa lapida. Talagang swerte si Arman bagamat mayroon siyang mga kaibigan na ganito ang pagtrato sa kanya kahit pa man ito ay wala na. 

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!