Megastar Sharon Cuneta, Muli Nanamang Sumabak sa Pangalawang Operasyon! Narito kung Ano ang kalagayan ng aktres!






Dahil nais ni Megastar Sharon Cuneta na maging updated ang kanyang mga taga hanga tungkol sa kanyang kalagayan, ibinahagi niya noong Martes lamang na sumabak siya sa pangalawang operasyon para sa pag-alis ng natitirang bukol sa likod ng kanyang leeg o tinatawag na lipoma.


Ang kanyang unang surgery ay naganap noong April nang mapansin ng kanyang “yaya” at assistant.






Sa kanyang Instagram account, pinost ni Sharon ang isang litrato ng kanyang kamay matapos matanggal ang IV na nakakabit dito, at humingi siya ng tulong na ipagdasal siya ng kanyang mga fans para sa kanyang recovery. 


“Hi. This is just a photo of my right hand after my I.V. had been removed. I just got home after my second lipoma surgery. Much bigger than the first. I still have a drain attached which they will remove tomorrow. Please say a prayer for me,” ayon sa caption ng MegaStar. 


Bumuhos naman ang mga mensahe ng mga tagahanga ni Sharon na concern sa kanyang kalagayan, at umaasang gumaling na siya sa lalong madaling panahon. Narito ang ilang komento mula sa kanyang Instagram post:

“Oh my! Mama please have a good rest. Get well soon! We Sharonians will definitely pray for you and your health.” (@gens_lee_love_mega)

“I hope it didn’t hurt too much and it’ll heal too fast cos I don’t want you to feel the pain,” (@megadaughters_mexxy)

“Avoid too much stress po!” (@maricar_ciruela) “Just take everyday life easy and cool” 





Sinasabing maayos na ang kanyang kalagayan pero kailangan pa niyang makarecover at mag-rest dahil magkakaroon siya ng concert sa SMX Convention Center sa Bacolod ngayong Friday (June 1) na parte ng kanyang “Sharon: 40th Mega Philippine tour” na makakasama sina Basil Valdez at Martin Nievera bilang kanyang special guests.

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinaglinis Ang Isang Kasambahay At Nakatagpo Ito Ng Napakaraming Pera, Pero Duda Niya Isa Lang Itong 'Honesty Test' Sa Kanya

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation