Mga Epektibong Benepisyo ng Sineguelas Panlaban sa mga Iba't ibang Karamdaman!



Ang halamang sineguelas ay napapanahon tuwing summer o taginit. Kilala rin ito sa tawag na red mombin, Spanish plum, purple plum, java plum, red plum, purple mombin o wild plum. Ito ay nagmumula sa isang mataas na puno na karaniwang tumutubo sa mga bansang nasa rehiyong tropiko gaya ng Pilipinas. Ang bunga nito ay bilog, may mamula-mula o kulay lila na balat at may isang malaki at matigas na buto sa gitna.

Ang bunga ng sineguelas ay may taglay na phosphorus, calcium, iron, proteins, fats, at carbohydrates. May taglay din itong hydroxyproline, aspartic acid, glutamic acid, serine, proline, threonine,at alanine. Mayaman rin ito sa Vitamin C at may taglay din na antioxidant.



Kaya’t narito ang mga halimbawang maaring makuhang benepisyo mula sa pagkain ng sineguelas.

1. Para sa Sugat
Ang siniguelas ay ginagamit bilang panggamot sa sugat dahil may kakahayahan itong mapabilis ang pag hilom ng sugat, para maiwasan din ang infection.Kailangan lamang kumuha ng bunga ng sineguelas,pakuluan ito sa tubig at gamiting panghugas ng sugat ang napaglagaan nito.

2. Lagnat


Nakakapagpababa ng lagnat ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng sineguelas kasama ang dahon nito. At ang pagkain ng prutas nito ay tumutulong para mapalakas ang immune system dahil ang prutas na ito ay nagtataglay ng Vitamin C.




3. Sipon at ubo



Ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng sineguelas ay maaaring makatulong na maibsan ang sintomas na nararanasan dahil sa pagkakaroon ng sipon. Maari rin na gamiting panggamot sa ubo at sa namamagang lalamunan sa pagkain ng prutas nito at paginom ng pinaglagaang dahon.
4. Pagtatae
Mabisa para sa kondisyon ng pagtatae ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng sineguelas, At maaari din kainin ang matamis na bunga nito para maibsan ang kondisyon. Maari rin itong gamiting panggamot sa ulcers,hyperacidity at pagsusuka.  
 
5. Pananakit ng didbib (angina)
Maaari rin gamiting pang gamot upang maibsan ang pananakit sa dibdib.Inumin lamang ang katas ng sariwang bunga ng sineguelas upang maibsan ang nararamdamang pananakit sa dibdib.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ito ang mga Dapat Gawin Upang Maiwasan ang Pagkakaroon ng Pigsa sa Tenga!